PAKIRAMDAM ni RV ay may mali sa mga tao sa paligid niya. When he woke up and he entered the kitchen. Tahimik ang mga magulang niya pati na ang mga kakambal niya. Hindi nga niya alam kung nag-away ba ang mga ito o ano dahil as in talagang walang imikan. Nagtataka rin si RV dahil nang sunduin niya si Heaven upang ihatid ito sa restaurant ay wala na ito sa bahay nila at tanging mommy lang nito ang naiwan doon. Sinabi ng mommy ni Heaven na nauna na raw si Heaven sa restaurant. RV sighed. He didn't see his girlfriend this morning so he's not in the mood to work. He can't focus. He tried to call Heaven pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya, even text. Nakakapagtaka dahil para siyang hangin sa araw na 'to. Napabuga ng hangin si RV. Naalala niya tuloy ang napag-usapan nila ng ama ni Heave

