NAPANGITI si Heaven habang hinahaplos ang malaki niyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon. Malapit na siyang manganak. Excited na nga siya na makita ang anak niya. Kung excited siya, mas lalo pa si RV. May mga binili na silang gamit ng baby nila kaya lang hindi nila alam kung babae ba o lalaki ang magiging panganay nila. They wanted it to be surprise. Huminga ng malalim si Heaven habang dahan-dahan siyang umupo sa sofa. Nasa bahay siya ng kaniyang mga magulang kasama si RV. Binisita nila ang mga ito. "Anak, ito na ang juice mo." Sabi ng kaniyang ina. "Salamat, Mom." Ngumiti ang kaniyang ina at hinaplos ang tiyan niya. "Malapit ka ng manganak. What do you feel?" Heaven smiled. "Excited, Mom." Aniya. Kapagkuwan kumunot ang nuo niya. "Ano po palang ginagawa ni RV at Dad sa likod ng bahay?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


