NAGISING si Heaven na masakit ang ulo niya. Napahawak siya sa kaniyang ulo at nagtaka nang makitang hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan niya. Kumunot ang nuo niya at nagtaka kung ano ang nangyari. Bigla na lang siyang napabalikwas ng maalala kung ano ang nangyari sa kaniya...sa kanilang dalawa ni RV. Tumulo ang luha niya nang pumasok sa isipan niya ang asawa niya. Naalala niya ang hitsura nito nang bumagsak ito. "Venedict..." Hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi na niya alam kung ano ang nangyari pagkatapos niyang mawalan ng malay. Pinunasan ni Heaven ang kaniyang luha. Ang tanging nasa isipan niya ay ang kaniyang asawa. Sana naman nakaligtas ito. Kumuyom ang kamay niya. Sino kaya ang gumawa no'n kay RV? Hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa nito sa kanila. Heaven was ma

