Nagising si Freiya sa isang malamig na kwarto at malambot na kama. Natigilan siya nang nilibot ang tingin sa paligid. Wala na siya sa kwarto ng yate na huling pagkakatanda niya. Ang sinag ng araw na nagmumula sa isang bintana ang tumatama sa kanya. Nasa isang malawak na siyang kwarto na puting puti ang disenyo at kitang kita ang malaking salamin na nagpapakita ng napakagandang tanawin mula sa labas. Ramdam niya ang pagod sa bahagyang pagtayo niya mula sa pagkakahiga.
"You're awake." bungad ng kakapasok lang na si Vien sa kwarto. Agad itong lumapit sa kama at agad tumabi sa kanya. "How do you feel? Are you okay?" tanong nito sa kalmado na tono.
"May nangyari ba? Wala akong matandaan." umigting ang panga nito sa sinabi niya.
"You passed out."
"Bakit? Ano bang nangyari?"
Napatitig si Vien sa mga mata nito. Ang pares ng matang napakainosente at hinding hindi niya kayang saktan.
"Wala ka kasing kain kaya ka nahimatay." pagsisinungaling niya.
"Ganon? Edi pwede naba tayo kumain? Gutom na ako." tumango si Vien. "Teka, nasa syudad na ba tayo?"
"Yes, we're in--"
"Talaga?!" agad tumakbo si Freiya palapit sa bintana.
"Careful, Freiya." pagsaway ni Vien.
Namangha si Freiya sa nasaksihan nang sumilip siya sa bintana. Binuksan niya ito at agad niyang naramdaman ang napakainit na klima na tumatama sa kanyang mukha. Nang tumingin siya sa ibaba ay halos malula siya sa taas kung nasaan siya. Ang makukulay at maiingay na mga sasakyan ay agad nagpawala ng lula niya. Napangiti siya sa mga taong natatanaw niya na napakaliit tingnan. Nang pagmasdan niya ang tanawin ay halos makukulay at matataas na gusali ang nakikita niya.
"Wow. Ang galing, Vien. Sa libro ko lang nakikita ang ganitong tanawin." hindi makapaniwalang sambit niya.
Ramdam niya ang presensya ng lalaki mula sa kanyang likuran.
"Islands and provinces are still better than cities, Frei." tumango si Freiya.
"Gusto ko rin sa isla kung saan ako lumaki. Hindi ko ipagpapalit yon kasi marami tayong alaala doon." ngiting sambit niya. "Pero gusto ko rin ang ganitong tanawin." manghang sambit nito at muling tinanaw ang mga nagtataasang gusali. "Sino ang babaeng yon, Vien?" tukoy niya sa litrato ng babae sa isang billboard.
"I don't know."
"Ang ganda niya."
"You're way more beautiful." lihim itong napangiti. "Really, Freiya. I'm not kidding." nilingon niya ito at agad itong tumingkayad para bumulong kay Vien.
"Nakabasa ako ng isang magazine para sa babae. Totoong maganda siya." tumaas ang kilay ni Vien.
"And why are you whispering?"
"Para safe."
"Safe saan?"
"Safe sa parusa sa langit." umismid lang ang binata at umiling.
"You need to eat."
Matapos maligo at mag ayos ni Freiya ay kumain silang dalawa sa kwarto nila. Suot niya ang isang puting bestida na bumagay sa kaputian niya. May hiwa ang bandang balikat nito na nagmumukhang off shoulder. Pinasadahan siya ng tingin ni Vien bago nilahad ang kamay nito sa kanya.
"Is that the dress I bought last summer?" imbis na tanggapin ang kamay ni Vien ay kumapit siya sa braso nito.
"Yes po, ngayon ko lang nasuot. Dami mo kasing binibiling damit sakin." naglakad sila palabas ng kwarto. May sumalubong sa kanilang dalawang bodyguard na agad yumuko bilang pagbati kay Vien. Sumunod ito sa kanilang paglalakad. "Bagay ba?" pahabol ni Freiya.
Nang makarating silang elevator ay agad pinindot ni Vien ang ground floor. "Bagay naman lahat sayo." sagot ni Vien habang diretso lang ang tingin.
"Pati ikaw?" ang seryosong mukha nito ay napalitan ng maliit na ngisi.
Napangiti rin si Freiya sa reaksyon nito. Nilibot niya ang tingin sa hallway kung nasaan sila. Ngayon niya lang napagtanto ang napakaraming kwarto sa palapag na iyon.
"Ito ba ang tinatawag nilang hotel, Vien?" nilingon siya ni Vien.
"Yes."
"May tao ba sa bawat kwarto nayan?" sabay turo sa mga kwarto.
"Nothing. I reserved this whole place for us." umawang ang bibig ni Freiya.
"Ibig sabihin tayo lang dalawa ang bisita rito?" pinindot ni Vien ang button ng elevator pababa.
"I don't want you be in so much crowded." lihim na napangiti si Freiya.
Nang tumunog ang elevator ay napakapit ng mahigpit si Freiya kay Vien kaya naman nalipat ang pansin niya rito. Bahagya lang siyang natauhan nang hinawakan ni Vien ang kamay niya. "It's alright. It's safe." ilang minuto niyang tinitigan si Vien bago ito nagpahila sa loob.
Pasimpleng napabuga ng hangin si Vien at napaisip na dapat naglagay nalang siya ng elevator sa kanilang mansyon. Mabilis silang nakarating sa ground floor. Patakbong hinila ni Freiya si Vien palabas ng elevator.
"Nakakatakot naman, para kang nakakulong."
"So you don't like elevators." tumango si Freiya. "But we need to ride that thing again later when we go back to our room." ngumuso lang si Freiya.
"Sige."
Magsasalita palang sana si Vien nang may bumati sa kanilang dalawang staff ng hotel. Isang babae at lalaki.
"Good morning sir, ma'am.."
Bahagyang napako ang paningin ng lalaking staff kay Freiya na halatang naestatwa sa ganda nito. Agad naman napansin ng kasama at siniko ito.
"Good morning, Sir Del Condre and Miss.."
"My wife." sagot agad ni Vien.
Nagulat si Freiya at agad napatingin kay Vien. Agad niyang naramdaman ang kabog ng dibdib at hindi mapigilang ngiti.
"Mrs. Del Condre.." pagpapatuloy na bati ng babaeng staff. "Sir, if you don't mind we would like to give you and your wife a tour in this hotel."
"Sure." ani Vien at sumunod sa paggabay ng babae sa daan.
Nalipat ang tingin ni Vien sa lalaking staff na hilaw na nakangiti habang nakatingin kay Freiya.
"Wife mo na ako?" naagawa ni Freiya ang atensyon niya nang bumulong ito. "Asawa kita?"
"Ayaw mo ba--"
"Gusto!" natutop nito ang bibig niya nang lumingon ang ibang taong nasa paligid. "Sorry." bulong niya kay Vien.
Tumaas ang sulok ng labi ni Vien at napangiti sa inasal ng dalaga.
Habang naglalakad sila sa malawak na lobby ng hotel papunta sa iba't ibang spots ng hotel ay hindi maiwasan ni Freiya ang pagkamangha. Mula sa pagbati ng mga tauhan ng hotel, mga fountains na nasa lobby at ang mga disenyong makukulay at napakaganda sa loob ng hotel ay talagang nagpasaya sa kanya. Sila lang nga dalawa ang tanging pinagsisilbihan sa araw na iyon.
Patuloy lang ang pagpapaliwanag ng dalawang staff sa mga lugar na kanilang pinapakilala.
Sa bawat tauhang bumabati sa kanila ay agad napapangiti pabalik si Freiya. Lalo na at naaalala niya ang mga katulong sa mansyon na halos lahat ay malapit sa kanya.
"Stop that." saway ni Vien.
"Ang alin?" napatigil siya.
"What did you promised me last night?" inosenteng napanguso ang dalaga sa tanong nito.
"Anong promise? Hindi ko na tanda, wala akong maalala kagabi."
"Just stop being friendly to everyone." umawang ang bibig nito sa gulat.
"Ah yun ba yung promise ko kagabi?" bumuga ng hangin si Vien.
"Yes, you promised me--"
"Pero hindi ko nga maalala, effective pa ba?"
"Yes, you're not keeping your promise--"
"Hindi na nga siya promise kasi hindi ko na maalala."
"But still--"
"Hindi na nga, Vien. Kulit mo."
"Why the f**k are you always cutting me off?" punong puno ng iritasyon niyang tanong.
Bahagya naman napaatras si Freiya habang naglalakad sila sa biglang pagtigas ng tono nito. Bahagya itong yumuko at lumuwag ang pagkapit niya sa braso ni Vien.
"Okay. S-Sorry." kumunot ang noo Vien at bumaba ang tingin sa kamay ni Freiya na kumalas sa pagkakabit sa braso niya.
"Gimme your hand." napakurap si Freiya at dahan dahang inabot ang kamay niya. "I'm not mad. You just won't let me speak, it's frustrating." aniya at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa.
"Sorry." paghingi niya ulit ng tawad.
"Now, this is my fault." bulong niya sa sarili.
"Galit ka ba?" tanong ni Freiya.
"No--"
"Sure?"
"Yes--"
"One hundred percent sure?"
"Yes. But will you please let me finish my sentence first--"
"Okay, sayo lang ako friendly." sabat nito at agad hinalikan si Vien sa pisngi saka ngumiti. "Promise."
Halos hindi maipaliwanag ang pagkakunot ng noo ni Vien.
"Sa akin ka lang friendly?"
"Oo, kasi friends din tayo tas family din." tumaas ang kilay ni Vien. "Diba?"
"Your mind is killing me."
"Huh? Bakit ka naman papatayin ng isip ko?"
"Just forget it, Frei."
"Ang alin?"
"Just shut up, Freiya."
"Okay."
Buntong hininga nalang ang sinagot ni Vien at umiling.
"I love you." pagkukulit na bulong ni Frei.
"Yeah, sure you do. You loves everyone." pagsuko nito.
Bawat madadaanang kakaibang disenyo o nakakatuwang display sa paligid ay napapangiti si Freiya at halos tumalon ang puso niya sa tuwa. Ang mga fountains na may kakaibang disenyo, mga batong malalaki na kumikinang na iba't ibang sining. Nang matapos nilang libutin buong araw sa hotel ay kumain sila sa isang buffet sa lobby.
Napakaraming putaheng inilutong espesyal at personal na utos ni Vien. Buong pagkain nilang dalawa ay walang tigil ito sa pagkwento patungkol sa mga nakita niyang nakakatuwa.
"Saan tayo next? Lalabas tayo?" napatigil si Vien sa sambit ng dalaga.
Ibinigay niya ang hiniwang steak kay Freiya at kinuha ang steak nitong hindi niya mahiwa hiwa.
"No, we'll just stay here." bumagsak ang dalawang balikat nito sa sagot niya.
"A-Akala ko sa syudad tayo pupunta.." halos nanlulumong bulong nito.
"Nasa syudad na nga tayo. Hindi mo na kailangang lumabas. Nandito na lahat ng kailangan mo." may halos tigas sa tono nito.
"P-Pero parang nasa mansyon lang din ako, m-mas pinalaki lang ganon." nakayukong sambit nito.
Bumuntong hininga si Vien. "What do you wanna see out there?"
"Gabi. Gusto kong makita kung anong itsura ng gabi dito, kung magkaiba ba ng gabi don sa isla." malungkot na sambit nito.
"You'll see it. After you finish your food."
"Talaga?" lumiwanag ang ekspresyon nito.
"Yes." sagot nito. "You want some sweets?" ngumiti si Freiya at tumango.
"Hm-Hm."
"Alright. I'll be back." saglit na paalam ni Vien na dumiretso papuntang dessert bar sa dulo ng mahabang buffet. Masaya at tahimik lang na kumain si Freiya. Natigilan siya ng tumunog sa ibabaw ng lamesa ang naiwang phone ni Vien.
Kinuha niya ito at tatawagin sana si Vien pero nasa malayo ito. Binalik niya ang tingin sa phone. Number lang at walang pangalan ang contact na ito doon.
Walang alinlangan niya itong sinagot.
"May kinukuha po si Vien, wait lang po wag niyo po ibaba."
Mahabang katahimikan ang naghari matapos niyang magsalita na akala niya ay wala ng tao sa kabilang linya.
"A woman." mahinang sambit na boses ng isang matanda. "Hi darling, I like your voice." bago pa man maka react si Freiya ay may humablot na sa hawak niyang phone.
Ang galit na si Vien. Binagsak niya ang dessert na dala dala nito at mariing nagbitaw ng tingin kay Freiya bago sinagot ang tawag at tumalikod. Napayuko nalang si Freiya at hindi mawari kung bakit mukhang my kasalanan na naman siyang nagawa.
Ni hindi na niya naituloy ang pagkain dahil kitang kita niya mula sa kanyang upuan ang halatang iritado na si Vien. Napakatigas ng ekspresyon nito na para bang kung sino ang kakausap sa kanya ay may masamang mangyayari.
Halos mapalunok si Freiya nang bumalik itong iritado at agad nagtanong.
"May sinabi ba siya sayo?" napakurap ito at dahan dahang tumango.
"S-Sabi niya hi darling daw tapos I like your voice y-yon lang." napapikit ng mariin si Vien at bumigat ang paghinga sa namumuong galit sa dibdib.
Umupo ito at pilit na kinakalma ang sarili.
"May problema ba, Vien?"
"Nothing." inabot nito ang platito ng dessert na kanyang kinuha para kay Freiya. "Just eat."
Hinayaan nalang niya si Vien dahil ayaw nitong sabihin ang dahilan bakit siya nagkaganon. Hinayaan nalang ito ni Freiya. Tahimik ito habang sila ay nasa loob ng elevator.
Kinalabit niya ito at hinawakan niya ang kamay.
"Galit ka?"
Nabaling nag atensyon ni Vien sa kanya sa napakalalim nitong iniisip. Bumuga siya ng hangin at nakaramdam ng inis sa sarili sa pagtrato sa dalaga tuwing siya ay galit.
"I'm not mad." hinawakan niya pabalik ang kamay nito.
"Sorry sinagot ko yung tawag sa phone mo."
"It's fine, Frei. I'm sorry about that." ngumiti si Freiya at hinigpitan ang hawak niya sa kamay ng binata.
Tumigil ang elevator sa rooftop sa rooftop ng hotel kung saan kitang kita ang napakagandang city lights sa gabi. Walang tao doon at tanging sila lang dalawa. Ang mga bodyguards ay pinabalik ni Vien bilang bantay sa kanilang kwarto at sa iba't ibang parte ng hotel.
"Ang ganda.." manghang mangha na sabi nito.
Napatingin si Vien sa kanya.
"Sobra." sagot nito.
Sa napakabilis na oras na nagdaan, lubos na nasiyahan si Freiya sa araw na iyon. Pakiramdam niya ay lalong bumibilis ang oras kapag kasama si Vien. Umihip ang malamig na hangin at bigla siyang napayakap sa sarili. Dahan dahan naman pumunta is Vien sa kanyang likod at gamit ang kanyang suot na mahabang coat ay binalot niya si Freiya sa pamamagitan nito.
Namula ang pisngi ni Freiya at namilog ang mata. Ramdam niya ang mainit-init na katawan ni Vien na kaslukuyang nakalapat sa kanyang likuran.
"Malamig pa?" bulong nito.
"H-Hindi na."
Unti unti siyang napaharap kay Vien at tiningala ito. Napatitig siya sa namumungay na mga mata nito. Sinuri niya ang bawat detalye ng mukha ng binata na animo'y masusing hinulma ng siya ay ginawa. Tinaas ni Freiya ang kanyang kamay at hinaplos ang kanyang makapal na kilay na bahagyang nakaarko na nagpapatigas ng kanyang ekspresyon lagi. Ang mga mata at kilay na siguro ni Vien ang dahilan kung bakit madaling masindak ang mga tao sa kanyang paligid. Ang uri ng pagtingin nito at normal na bahagyang pagtaas ng kilay madalas.
"What?"
"Nakakatakot ka tumingin alam mo yun?"
Umismid si Vien at tumaas ang kilay.
"Why do you think so?"
"Ayan oh." bahagyang natawa si Freiya at hinaplos ang kilay niya at ang kunot niyang noo. "Parang lagi kang galit sa mundo."
"Hindi ako galit sayo."
"Huh?"
Inalis ni Vien ang tingin niya kay Freiya at tinagilid ang ulo.
"Wala."
"Vien, sorry kanina."
"It's nothing to worry about." sagot nito habang nakatingin sa ibang direksyon.
Napatitig ulit si Freiya sa pagtagilid nito. Hulma ang panga nito at ang tangos ng ilong ay bumabagay sa hubog ng mukha nito. Hinaplos niya ang pisngi ni Vien at napangiti. Bumaba ang tingin niya sa labi nito.
"Gusto kitang.."
Kunot noo ulit itong binalingan ni Vien.
"What the hell are you thinking again?"
"W-Wala ah!" agad natauhan si Freiya nang naisalita niya pala ang nasa isip niya. Agad niyang naibaba ang kamay niya.
Tatalikod na sana siya paalis pero naalala niya nga palang nakakulong siya sa mga bisig ni Vien at yakap gamit ang coat nito.
"Stop tempting me, Frei. Hindi mahaba ang pasensya ko."
Kumalabog ang puso ni Freiya at muling napaangat ng tingin kay Vien. "Gusto kitang halikan." matapang na sabi niya.
Ang kaninang kalmadong mata ni Vien ay napalitan ng kakaibang tingin.
"Hindi pa ba ubos pasensya mo--" hinapit niya si Freiya papalapit lalo sa kanya at agad itong hinalikan.
"Ubos na." bulong nito sa gitna ng kanilang mga halik.
Nanlaki ang mata ni Freiya at unti unting nagpatianod sa malalim na halik ni Vien. Dahan dahan siyang pumikit at dinama ang matamis na halik na Vien. Lumalalim at para bang kinakain siya ng kanyang pakiramdam na gusto niya pang magtagal ang halik na iyon.
Kasabay noon ang pagkislap ng napakagandang fireworks sa langit kung saan sinadya ni Vien para kay Freiya.
Sinasabayan niya na si Vien sa malalalim nitong halik nang bigla itong tumigil.
Nakaawang ang bibig ni Freiya at napadilat bigla.
"Vien--" naputol ang kanyang pagsasalita nang hinila siya ni Vien at nagpatianod nalang. "Saan tayo pupunta?" hindi ito sumagot at seryoso lang ang tingin na para bang nagmamadali habang hila siya nito.
--