Sa isang malamig at abandonang gusali ay nakatali sa upuan ang tatlong lalaki. Nakapiring ang mga mata nito. Ang isang lalaki ay kasalukuyang nakatali ang paa patiwarik sa ere habang ang nasa kanyang ulunan ay nagliliyab na apoy na animo'y isang hayop na iniihaw. Sumisigaw siya sa init at sakit.
Bahagya narin nasusunog ang kanyang mga buhok.
Sinunod ang isang lalaking nakapiring na halos mawalan na ng dugo dahil pinutol lahat ang bawat isang daliri.
Ang isa ay halos hindi makalakad dahil halos balian ng buto.
Ang tatlong ito ang pinaka nagtangka kay Freiya noong gabing muntik siyang mapahamak.
Ang isa naman ay ang nagngangalang Noy na pumipigil kay Berto at sa ibang kasama nito. Nagsisisigaw at nagmamakaawang pakawalan.
"Wala akong kasalanan, pakiusap!" sigaw niya habang nakapiring ang mga mata at umiiyak.
Bugbog na ang apat na ito dahil sa sobrang galit ni Vien, pero ngayon ay pinapahirapan sila ng mga miyembro ng yakuza. Matapos ng gabing pagtataknga kay Freiya ay dinala ang apat na ito sa hideout nila Vien, matapos niyang ilabas lahat ng galit sa mga lalaki ay agad niyang kinontak ang kanyang kaibigan.
Kiro Jo.
Isang wakagashira o second-in-command ng yakuza.
Kasalukuyang nasa taas at pinapanood ni Vien sa isang malawak na abandunang lugar ang mga pangyayari. Walang emosyon ang mata at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa.
"Tanoshin deru ne?" napalingon siya sa kanyang gilid sa pagsulpot ng isang presensya.
Tinanong niya kung naaaliw ba ito.
Inabot nito ang isang sigarilyo sa kanya at sinindihan. Tinanggap ito ni Vien at hinithit ang sigarilyo.
"I am, thanks to you." sagot niya matapos ibuga ang usok.
"Have you seen your half brother? Your father wants him to be the next leader." panimula ni Kiro.
"Really.."
"They held some party in some mansion, was that your place?"
"He's fvcking with my life again." umiling na lamang si Kiro.
"What am I going to do with that one?" tukoy niya sa isa sa apat na lalaki na nagngangalang Noy.
"Cut his tongue and let him go." sambit ni Vien.
"That's all?" tanong ni Kiro.
"What are you thinking?
"Hmm, if that happens to my wife I'll torture them until they ran out of breath." ani Kiro.
Kababata niya si Kiro, ito ang kasama niya lumaki noong nasa Japan siya bago umuwi dito sa Pilipinas. Alam niyang nasa utak nito ang pagiging brutal at marahas dahil lumaki ito bilang miyembro ng yakuza. Sa kabila noon, tinuturing pa rin nilang kaibigan ang bawat isa.
Nilingon siya ni Vien. "Do you have a wife?" tanong niya na agad kinairita ni Kiro.
"It's a what if statement." umismid si Vien sa sagot nito.
"You should have one." suhestiyon niya.
"Women are easy to get, I can easily ask them to be my wife and they'll gladly be one." nginitian siya ni Vien.
"Not the real one." matapos niyang hithitin ang sigarilyo ay dinikit niya ito sa bakal para mawala ang apoy at tinapon sa gilid. "Once you've been hit, you're stucked."
"Are you stuck with your wife?" mahinang natawa si Vien.
"I've been chained."
"Fuzaken na?" natawa nalang si Vien sa pagmumura ng kaibigan.
Naalimpungatan si Freiya at naramdamang wala si Vien sa tabi niya. Naglakad siya patungo sa bintana. Tagos ang repleksyon ng buwan mula sa kanyang kinatatayuan.
Wala na naman si Vien.
Pansin niya ito sa mga nagdaang araw. Kapag siya ay nagigising ay lagi nalang itong wala sa tabi niya, kaya minsan ay babalik nalang siya sa pagtulog at paggising niya ay katabi niya na ito. Hindi nagtatanong o binabanggit man lang.
Baka ay hindi gustong pagusapan ni Vien, at nag aantay lamang si Freiya na magsabi ito.
Iniintindi niya ang lahat ng magiging desisyon ni Vien, ipinagkatiwala na niya ang buhay niya sa binata para lamang magisip ng mga bagay.
Naglakad siya palabas ng kwarto at bumana papuntang kusina.
Tahimik ang paligid at walang katao tao, tanging ingay ng malamig na hangin sa labas lang ang kanyang naririnig. Wala ring ilaw pero dahil tumatama ang liwanag ng buwan sa loob ng bahay dahil sa malalaking bintana nito ay nakikita parin ni Freiya ang kanyang nilalakaran.
Uminom siya ng tubig at tumingin ng mga pagkain. Punong puno ng pagkain ang ref. Gusto niya sanang kumain pero gusto niyang makita muna si Vien. Nitong mga nakaraang araw ay tanging si Vien lang ang gusto niya laging makita.
Ilang sandali pa ay natigilan siya nang may narinig na kaluskos sa hindi kalayuan. Napalingon siya sa pintuan palabas. Nilapitan niya ito. Nakasara naman ito pero hindi naka locked. Pansin niya rin na wala ang mga tauhan ni Vien na madalas nagbabantay sa kanilang bahay.
Ilang hakbang ang kanyang ginawa hanggang makarating siya sa likod ng bahay.
Niyakap niya ang sarili sa lamig na naramdaman. Hahakbang pa sana siya nang may biglang humawak sa kanyang braso.
"Frei." halos mapasigaw siya sa gulat na agad din naman nawala nang makita si Vien. "What are you doing here? It's cold outside." bakas ang pagaalala ni Vien.
Nakita niya si Drake at Raze sa likuran ni Vien na bahagyang yumuko sa kanya. Nakabihis din ang dalawa na parang galing sa kung saan.
"Nagising akong wala ka eh.." sambit niya.
Nakasuot ng itim na shirt si Vien at may hawak na jacket. Napansin ni Vien ang pagsuri ng babae sa kanyang suot.
Pinatong niya nalang ang jacket kay Freiya. "I'm sorry. Let's get inside."
Hinawakan niya si Freiya sa bewang at inalalayan papasok. Sinenyasan ni Vien si Drake at Raze. Agad naman kumilos ang dalawa.
Walang nakakaalam na ang ingay na narinig ni Freiya ay mula sa isang lalaking nagmamatiyag sa kanilang bahay.
"Palagi kang wala kapag gigising ako ng madaling araw.." mahinang sambit ni Freiya.
Tumigil sila sa paghakbang. Kasalukuyan silang nasa hagdan.
"Hindi ako magtatanong kung hindi ka komportable sabihin sakin." mapait na sabi ni Freiya.
Natigilan si Vien at tumitig sa kanya. Matigas ang ekspresyon nito pero unti unting lumambot nang tumitig kay Freiya. Bumuga siya ng hangin at hinawakan ang bewang nito. Inalalayan siya nito paakyat. Nang makapasok sila sa kwarto ay agad umupo si Vien sa dulo ng kanilang kama.
"Come here." hinawakan ni Vien ang kamay nito at marahang hinila paupo sa kanyang kandungan. Niyakap niya ito mula sa likod. "I'm sorry, Frei." bulong niya.
"May nangyari ba?" tanong ni Freiya.
"You know that I'll never be a good person right? But I'm trying my best to fix everything, so I can protect you better." panimula niya.
"Vien.."
Bumuga ito ng hangin bago magsalita. "The video you watched on the day you left, was filmed by one of my men. Turned out he's a spy from a yakuza clan, my father sent him. The one who got stabbed was Drake, it's a warning to not mess up with the clan. The night you saw me torturing some man who's kneeling, he's that spy. It's the same man." nakinig lang si Freiya. "I sent him back to his clan so my father can see that I know everything he's doing. He wants to find you and I can't let that happen." paliwanag ni Vien.
"K-Kaya ba wala ka tuwing madaling araw? Iyan ba ang dahilan?"
"No. The men who tried to touch you.." natigilan si Freiya. "I tortured them." napalunok siya sa narinig "I'm sorry if you're hearing ridiculous things from me, but I think they deserve it. I'm sorry, Frei."
Ilang sandali naghari sng katahimikan. Hanggang sa unti unting kumalas si Vien sa pagkakayakap nito mula sa likod ni Freiya. Nilingon siya ni Freiya at nanatili sa kandungan ni Vien.
"Are you mad at me?" ramdam ang pag aalala sa boses nito.
Hinaplos ni Freiya ang buhok nito at hinaplos ang pisngi. "Hindi ko naman kayang magalit sayo, Vien. Ako nga dapat ang mag sorry. You took a risk to save me. I was a nobody, pwede mo akong iwan that night pero niligtas mo ako. You chose to be with me when you should be with your father. You're busy protecting me with all your life, I'm sorry." aniya habang nakatitig sa binata.
"I didn't had a chance to make you see the world." umiling si Freiya.
"I did, pero mas gusto ko kung nasaan ka." natigilan si Vien at tumitig lang sa kanya. "Thank you for telling us everything." tukoy niya sa kanilang baby. "Gusto kong sabihin mo lahat sakin, Vien, samin. Lagi kitang iintindihin, alam kong hindi ka masamang tao. Alam kong gusto mo lang akong protektahan at ganun din ako. Makikinig ako sa lahat ng kwento mo, maganda man o hindi. May tiwala ako sayo, at sana ikaw din. Gusto din kitang protektahan sa paraang alam ko. Mahal kita eh.."
Vien felt weak. He built walls for years to shut the world off. Miski si Freiya ay ayaw nyang papasukin sa mundo niyang magulo. Sa narinig niya ay para siyang binuhusan ng tubig. Na hindi niya kailanman inakalang may magmamahal sa kanya na ganito kalalim. Hindi niya akalaing maririnig niya ang mga ganong salita mula sa babaeng pinagkaitan niya ng buhay.
Dahan dahan niyang niyakap si Freiya.
"I can't bare to lose you, Frei." tumulo ang luha ni Vien habang nakayakap sa babae.
"Hindi naman ako mawawala, pag lumabas na si baby dalawa na kaming magtatanong sayo ng kung ano ano." sambit ni Freiya habang nakangiti at nakayakap kay Vien.
Hindi sumagot si Vien. Naramdaman ni Freiya ang pagtahimik nito. Kakalas na sana siya para tingnan si Vien pero humigpit pa lalo ang yakap nito.
"Thank you, Freiya." paos na sambit nito.
Hinaplos ni Freiya ang likod nito habang nakayakap at marahan itong tinatapik. "Thank you din, Vien."
Kasalukuyang nasa mansyon ang ama ni Vien na si Tanada Hori, isang yakuza leader. Sinusuri ang bawat kwarto sa mansyon. Walang tao at nakatakip ang lahat ng ibang mga gamit.
"Sino ang mga tumira dito? May alam kaba?" tanong niya sa kanyang tauhan.
"Wala po master." nakayukong sagot nito.
"It looks like someone lived here. It smells like.." pumikit si Tanada at inamoy ang kwarto. "..a girl."
Hindi nakaimik si Renzo. Siya ang dating butler ni Vien. Alam niya ang tungkol sa lahat ng nangyari at hindi niya pwedeng sabihin ito dahil mahal niya ang kanyang alaga at ayaw mapahamak ang binata.
"Did Tori lived with some girl here?" sambit ni Tanada.
Tori ang palayaw ni Vien sa kanyang ama.
"I'm not sure, master. He cut his ties with us a long time ago." umismid si Tanada sa sinabi nito.
"Right, that bastard.." bulong niya. "Is he now with the italian mafia?" tanong niya at lumabas ng kwarto.
Agad palihim na sinipa ni Renzo ang isang suklay sa sahig. Nakahinga sya ng maluwag at sinundan ang master niya palabas.
"Yes, master. He recently joined the italian mafia." umismid si Tanada.
Mula sa mansyong pagmamay-ari ni Vien ay napunan ng mga bagong miyembro ng yakuza. Nakaitim ang mga ito at halos iba dito ay mga bagong miyembro.
Nakasuot ng kimono si Tanada. Tinanggal niya ang pagkakatali nito sa kanyang katawan kaya naman kitang kita ang buong tattoo nito mula leeg hanggang braso. Umupo siya sa isang upuan at dumekwatro. Kumuha siya ng isang tabako at sinindihan ito ng isang tauhan niya para sa kanya.
"Tsumaranai ah.." bulong niya.
Tinawag niya ang isang tauhan na may hawak ng alak. Pinalapit niya ito sa kanya ngunit habang papalapit ito ay nawalan ito ng balanse at nabasag ang dala dalang bote ng isang mamahaling alak.
"Sumimasen, oyabun!" nanginginig na paghingi nito ng tawag.
Napapikit siya sa talsik ng alak sa kanyang mukha. Agad naglabas ng isang katana ang isang tauhan at tinutok sa lalaking nadapa. Natulala siya at napalunok.
Tinaas ni Tanada ang kamay niya, tanda ng pagpigil sa tauhan nyang naglabas ng katana. Agad naman itonh yumuko at itinago ang katanang nilabas. Inabot ni Tanada ang isang panyong inabot ng kanyang isang tauhan.
"Such a waste of drink." sambit niya.
Nanatiling nakadapa at nakayuko ang lalaki.
"I-I didn't mean that master!" sigaw nito.
"Will you clean that for me?" kalmadong tanong ni Tanada.
"H-Hai!" babangon na sana ang lalaki ngunit nagsalita pa si Tanada.
"Shita o tsukatte.." nanigas ang lalaki at hindi makaimik.
Gusto niyang linisin nito ang natapon na alak sa sahig gamit ang kanyang dila. Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi makakilos ang lalaki. Tinutukan siya ng katana ng isang tauhan ni Tanada at agad siyang napagalaw. Nanginginig siya at sinimulang dilaan ang natapon na alak sa sahig.
Bumalahaw ng tawa si Tanada dahil sa ginawa ng lalaki.
Agad may isang tauhang pumunta sa gilid niya at yumuko. May pinakita itong litrato ng babae.
Ang litrato ni Freiya. Nakasuot ito ng isang mahabang puting bistida at nakangiti sa litrato.
Natigilan siya sa pagtawa at kinuha ito. Tinitigan niya mabuti ang litrato.
Pamilyar ang mukha ng babae.
"Nakita namin sa dating kwarto niya, master." sambit ng tauhan.
Ganon na lamang ang kaba ni Renzo habang pinapakita ng isang tauhan ang litrato ni Freiya sa ama ni Vien. Gusto niyang sumingit sa usapan pero huli na ang lahat.
"Renzo." tawag sa kanya.
"Y-Yes master."
"Does she look familiar to you?" ani Tanada at pinakita sa kanya ang hawak na litrato.
Tinitigan niya ito at yumuko. "No master."
"I like her." sambit niya. "Find this woman. Check if she's a maid here or not." utos niya. "Maybe send it to my son so he can tell me about her." aniya at tumawa ng malakas.
--