LIA ELIZA ALFARO __ Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko papunta sa direksyon ni Riel. Hindi nawaglit ang tingin ko sa puntod na nasa tabi ng paanan niya. Pakiramdam ko nakalutang pa rin ako at unti-unti nang nauubos. Muli kong naramdaman ang mainit na likidong nalaglag sa pisngi ko. I was no longer capable of thinking. Hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng puntod at nanginginig ang buong katawan na bumaba ako para tingnan iyon. 'Liana Elizabeth A. Manjares' iyon ang buong pangalan na nakaukit sa lapida. Mabilis na nanlabo ang mga mata ko habang kusang umangat ang nanginginig kong kamay para abutin ang lapida nito. Naramdaman ko ang pag-upo ni Riel sa tabi ko. He held my shoulder. The moment she did it, para bang bomba ang mga luha ko na sumabog. "Eli..." Napahagulgol ako h