CHASE KARSON MANJARES's POV
__
"She still has a weak immune system. She hasn't changed her lifestyle so walang pagbabago. I think she's not taking the vitamins din na nireseta ko sa kanya. Kulang sa tulog sa kain, o masyadong stressed. Hihina talaga ang immunity niya kaya mabilis pa rin siyang magaksakit."
"Salamat ho sa reseta, doc."
"Walang anuman. Bilhin mo na ang gamot niya para mainom niya na agad at maging maayos kahit papaano ang pakiramdam niya. 'Yung result ng blood test niya ipapadala ko na lang dito along with another prescription. We'll see kung ano pang maipe-prescribe ko to boost her immunity."
Marahan akong tumango at muling nagapsalamat rito. Hinatid ko ito palabas ng gate. Ito ang family doctor nila ni Tim. I had her number at ito na ang tinatawagan ko kapag kailangan ko ng tulong niya regarding her health. I couldn't afford na dalhin siya sa ospital sa tuwing magkakasakit siya.
She was already awake nang muli akong pumasok sa loob ng silid niya.
"Your doctor said you have a fever," casual na sabi ko rito. "I'll leave the prescription here," I told her at binaba iyon sa ibabaw ng bedside table. "Maybe you could call someone to buy these meds for you."
She still looked pale and sick.
"I have to go to work. Iiwan ko na muna si Eli kina Xeri. It's Saturday so she'll play with her. No one will look after her here kaya baka doon na siya hanggang sa pagbalik ko. I see you still have lots of instant foods in the kitchen. Just make foods for yourself."
I already told myself I was done doing those things for her. I just thought maybe she could really handle herself without anyone's help.
I also didn't want to leave Eli with her. Ayokong ma-stress ito na alagaan siya. Bata pa siya, siya dapat ang inaalagaan, hindi siya ang nag-aalaga.
"Daddy, youre going to work?" tanong nito habang sinsuklay ko ang basang buhok niya."
"I have to..."
"We'll leave mommy alone?" mahinangng tanong nito.
"She's not sick. The doctor said she's fine."
She frowned. "She's sick, daddy. You're lying again."
Humugot ako ng malalim na hininga. "You shouldn't go near her. Baka mahawa ka."
"But daddy, please let's not leave mommy alone. She can't get her own water... and she can't make her own food. Mommy will starve. She won't get better."
"She can handle herself."
"No, daddy..." she insisted. "Please, let's not be bad to her."
"She's always been bad to you..."
"But I love her, daddy. We can give mommy space like what she wants, but please let's be there for her when she needs us. Daddy, you said we're all that she has."
"You're all that she has."
"Have you given up on her?"
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "I'll try to call your Ninong."
Tumayo rin ako mula sa ibabaw ng kama at pumwesto sa gawing balcony para tawagan si Kaloy. Tahimik lang na nakatingin sa akin ang anak ko.
"Pre..."
"Oh? Anong problema?"
Tila kabisado ako nito. He knew it already kapag tumatawag ako sa kanya.
"Pwede bang hindi na muna ako sumama sa gawa ngayon?"
"Huh? Bakit? Malaking kliyente 'yun. Tsaka naka-schedule na tayo. Malilintikan tayo kay boss lalo ka na kapag hindi ka nagpunta. Ikaw ang ni-recommend niya, sabit lang ako."
"Tingin mo p'wede pang i-reschedule?"
"Naku, malabo. Kailangan na daw mga machines sa isang araw. Ano bang problema? May emergency ba? Kumusta si Eli?"
"She's fine..."
"Oh eh ano?"
"Si... si Lia kasi may sakit."
"Anak ng..." agad sambit nito sa kabilang linya. "Ano naman ngayon? Pabayaan mo nang mamayapa 'yang babaeng 'yan. 'Yun naman talaga gusto niya, 'di ba? Akala ko pa naman natitikis mo na talaga, ayan ka na naman. Kaunting kibot may paki ka na naman."
"Nag-aalala sa kanya si Eli."
"Sus, sure ka si Eli lang? Dalhin mo si Eli sa bahay. Maglaro sila ni Gem tapos iwan mo nang mag-isa 'yang asawa mo d'yan. Bakit mo pa pag-aaksayahan ng oras 'yan? Ikaw nga halos lingo-lingo may sakit at may sumasakit, nagkaroon ba siya ng pakialam? Kahit nga binayad mo sa ospital niya hindi niya binabalik kahit magkada-utang-utang ka na tapos hinahayaan mo pa ring makisawsaw sa oras mo."
Humugot ako ng malalim na hininga. Alam kong sesermunan na naman ako nito at alam ko kung gaano nito ka-ayaw si Lia. It wasn't new to me.
"I'll try to go in time."
I tried to call Riel dahil ito na lang ang p'wede kong tawagan. Matagal bago nito sagutin ang tawag.
"Oh, Chase? What's up? Napatawag ka? May problema ba?" sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.
"I just... want to ask a favor."
"Sure, If I can."
"Lia has a fever. I have to go to work... wala kasi siyang kasama."
"Oh... bad timing, Chase. Nasa La Union ako ngayon. May pinakita akong properties sa client ko. Can't you really stay?"
"I tried talking to my friend already. We can't reschedule. I'm afraid na ma-suspend ako for not coming."
"Okay... I'll try to go back there as soon as I can. May ilan pa akong properties na ipapakita sana sa kanya pero bahala na. I have to prepare my things pa. Mayble I'll be there in 6 hours. May kasama ba si Eli?"
"She didn't want to leave the house."
Ilang sandali pa kaming nag-usap nito. She asked kung tumawag na ako ng doctor to check up on her.
Kinuha ko rin ang reseta sa kwarto ni Lia at sinama ko si Eli para bilhin ang mga gamot niya.
Dumaan din kami ni Eli sa palengke para bumili ng mga prutas at gulay na recommended ni doc. We were over budget again pero hindi ko na lang inisip.
Tinulungan ako ni Eli na magluto ng pagkain. She really wanted to help kahit wala pa naman tlaga siyang alam sa pagluluto. Alam niya lahat ng bagay sa kusina at alam niya kung paano gamitin at kung ano ang hindi niya dapat gamitin sa mga iyon. I had to teach her dahil nag-aalala ako sa kanya kapag wala ako sa bahay. She was smart enough na matutunan gamitin ang ilang appliances to make her own food kapag wala ako.
Gumawa kami ng chicken soup and I cooked mixed vegatbales for Lia. I also cooked foods for Eli at pinaghiwa ko na rin siya ng mga prutas.
I checked Lia's temp habang tulog pa ito. Kahit paano ay bumaba naman ang temperarture nito. Iniwan ko na lang sa bed-side table ang mga gamot niya at nag-iwan na lang ako ng notes kung para saan ang mga iyon at kung anong oras niya dapat inumin.
Pinadala na lang ni Dr. Jansen ang blood test result ni Lia sa bahay. It appeared na anemic siya at kulang sa nutrients ang dugo niya. Nag reseta ulit ng vitamins si doc.
Hindi pa rin ako mapakali na kailangan kong iwan si Eli sa bahay dahil iyon ang gusto niya. She didn't wan tot leave her mom alone.
"I'll try to go home early, okay? Ninang will go here, pero baka mamaya pa. Na-ready ko na lahat ng food niya at sa'yo. Don't forget to call daddy kapag may probelma, okay?"
Mabilis itong tumango. "Okay, daddy!"
I let out a deep sigh at marahan itong niyakap.
I hated myself. I hated myself so much na hindi ko mapanindigan ang lahat ng sinabi ko.
LIA ELIZA ALFARO's POV
__
I tried to get up again kahit mabigat pa rin ang katawan ko at sumasakit pa rin ang ulo ko.
I was about to stand up from bed nang mapansin ko ang notes sa bed-side table. Wala sa lob na kinuha ko iyon at binasa. It was just the meds at kung anong oras dapat inumin ang mga iyon. Mul kong tinignan ang mesa and saw tablets there.
"Mommy, youre awake!" Napatingin din ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na ito ng sildi.
I wasn't expecting that she was there. His father told me na dadalhin niya ito sa kapitbahay.
"Daddy bought your meds, Mommy. He said you should eat first before taking them. I will prepare your food now!"
Agad itong nagtatakbo palabas ng silid.
He shouldn't have talked to me kung siya rin pala ang bibili ng mga iyon. Tuluyan na akong tumayo mula sa bed at sinuot ang tsinelas ko.
I had runny nose, but it was still quite manageable. Huminto ako pagpasok sa kusina at pinanuod itong maglagay ng pinggan sa tray at magsalin ng tubig sa baso.
She was too busy that she didn't even notice that I was there.
Kumuha siya ng silya at binuhat iyon sa harap ng oven.
"What are you doing?" casual na tanong ko rito.
Agad itong napatingin sa akin na tila hindi iinasahang maririnig ang tinig ko.
"Mommy, I'm preparing your food."
Humakang ako palapit rito nang magsimula itong umakyat sa silya para maabot niya ang oven.
"Get down. I'll do that."
"But, Mommy—"
"Get down," malamig na sabi ko rito.
Mabilis itong sumimangot at bumaba rin ng silya. Tiningnan ko ang mga pagkain na nakatakip sa tabi ng oven. Nakahati iyon sa dalawa at may nakalagay rin na notes. 'Mommy' 'Eli'.
Ako na ang nagpasok ng mga pagkain sa loob ng oven para iinit ang mga iyon.
"Mommy..." tawag nito sa akin.
Wala sa loob na binaling ko ang tingin ko sa kanya. Nakatingala lang ito sa akin.
"How are you?"
Hindi ako nag-abalang sagutin ito. Tila alam naman nito na wala akong umimik.
Muli niyang kinuha ang silya at binalik iyon sa harap ng mesa kung saan niya kinuha. Nakita ko itong nagtanggal ng pinggan sa tray at inilagay na lang ang mga iyon sa ibabaw ng mesa. Kumuha pa ito ng pinggan at dinala naman sa dulo ng mesa.
Dinala ko sa tray ang mga pagkain nang tumunog ang oven. Nakita kong pinaghila pa ako nito ng silya.
"Mommy, I will hold that for you," salubong nito sa akin nang buhatin ko ang tray. She couldn't carry it on her own, and she shouldn't try.
Ayokong bigyan niya pa ako ng sakit ng ulo kapag tumapon sa kanya ang soup.
Pakiramdam ko ay nanghihina pa rin ang katawan ko, but I felt a little bit better at alam kong kaya kong dahil iyon sa ibabw ng mesa.
Halos buong araw noong nakaraan na walang laman ang tiyan ko. I felt the need to eat. I had to go to work. Ayokong manatili lang sa sild ko and think of random things again.
Nang maibaba ko ang sa akin ay dinala ko naman ang tray sa tapat ng pinggan niya sa dulo ng mesa.
Tahimik lang itong kumain. Nang matapos ay muli niyang kinuha ang silya at dinala naman sa sink. Sinunod niya ang mga pinagkainan niya at muling sumampa sa silya para hugasan sa sink ang mga iyon.
Maayos niyang binalik ang silya nang matapos at tumingin sa akin.
"Mommy, just leave your plates there, okay? I can wash all of it."
Nagtatakbo ito palabas ng kusina. After eating, dinala ko pa rin ang mga pinggan sa sink at hinugasan ang mga iyon. I was used of doing it. Ever since na lumipat kami ni Tim sa bahay na iyon, hindi kami kumuha ng kasambahay.
I saw her in my room fixing my bed. Halos tapos na ito nang bumaling sa akin.
"Come on, Mommy! Lie here now!" nakangiting anito.
Humakbang ako palapit sa ibabw ng kama. Mabilis naman nitong tiningnan at sinubukang basahin ang mga gamot doon.
"Daddy said... red and blue..."
Nabasa ko na ang notes kanina at tama naman ang nakuha nito. Inabutan niya ako ng tubig and watched me swallow it.
"Mommy, you'll get better now," nakangiting anito.
She fixed my blanket nang mahiga ako muli sa ibabaw ng kama ko. She also put my phone beside me.
"Mommy, call me if you need anything, okay?"
I watched her na tumakbo palabas ng pinto.
I didn't expect Riel would come before dinner.
She said kagagaling niya lang sa La Union and Chase called her.
"Hmm, may sakit ka talaga?" she asked jokingly at at hinipo pa ang pisngi ko. "Ay, oo nga. Akala ko stunt kasi aalis na sila."
I rolled my eyes at her. Natulungan ko pa siyang mag-prepare ng dala niyang pagkain because I felt much better after falling back to sleep.
"Shocks, nabigyan kita ng idea. Baka gawin mo nga a week or a day before they leave."
"I don't know why you're here."
Mahina itong tumawa. "Chariz lang, sige na, ako na d'yan, umupo ka na lang."
She called Eli after preparing the foods. Halos silang dalawa lang ang nag-uusap. I told her to just go home dahil kaya ko na ang sarili ko, but she insisted to stay hanggang hindi nakakauwi si Chase.
"Eli's such a sweet girl no? Imagine, kahit masama ugali mo, she still cares for you," anito na may bahagyang ngiti sa mga labi. "The kid still loves you unconditionally. Kung aalis man sila ni Chase, I hope Chase could find a woman na sweet and caring na itatrato din siya na parang tunay na anak. I think it'll be good kung dalawa ang mommy niya, she has you and the other one na mag-aalaga sa kanya. It's not impossible naman, di ba? Chase is young pa and you know... super hot and g'wapo. Sigurado makakahanap siya ng babaeng baliw na baliw sa kanya. And I guess, there would be no problem naman on your part kasi you married him lang naman para maging legitimate si Eli."
"I don't want to talk about it."
Ngumiti ito sa akin. "At ikaw, sana mahanap mo na ang tamang sofa, tamang sandok, at kaldero para sa'yo dahil sila ang makakapiling mo dito sa bahay mo habang buhay," natatawang anito. "Sige na, go back to sleep para may energy ka naman bukas."
I guess I woke up almost midnight na may kausap ito sa loob ng silid ko.
"Bumaba na temperature niya. Okay naman na siya, I guess. May sipon pa, but nothing to worry about naman siguro."
"Salamat, Riel. I'm sorry for taking your time."
"Ano ka ba, it's okay. I understand na ako lang naman ang matatakbuhan niyo and you know how much I care for her. Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo because you didn't stop to take good care of her kahit wala siyang nagawang maganda sa'yo. Bukas na ako uuwi. Hating-gabi na rin naman. Matulog ka na so you can rest. You look tired."
"Salamat sa lahat ng tulong, Riel. I hope one day makabawi rin ako sa'yo."
"Come on, don't think of that."
"Just...give this to her."
"Oh, what's this?"
"Vitamins... sabi kasi ng doctor niya anemic siya at kulang sa nutritients ang dugo niya."
"Oh, this is quite expensive, Chase. Wait, ibabalik o sa'yo ang binayad mo—"
"Hindi na, Riel. Nagbayad din naman 'yung client kanina. Medyo malaki naman 'yung nakuha ko."
I heard Riel sigh. "Mahal mo talaga no?"
Namagitan ang katahimikan sa buong silid sa ilang sandali bago ko marinig ang mahinang pagtaw ni Riel.
"You've done your part, Chase... sobrang proud ako sa inyo ni Eli. Rest..." she uttered. "Take care of yourself this time. Huwag kang mag-alala sa kanya, I'll check on her every day pag-alis niyo ni Eli."
"I hope you'd still call, Riel... I-- I still would like to know kung kumusta siya..."