LIA ELIZA ALFARO __ "Are you sure you'll go there?" Tumayo ako sa harap ng salamin at tiningnan lang ang sarili ko. Bumangon ako na para bang wala nang kahit anong natira sa akin pero mabigat pa rin ang katawan ko lalo na ang dibdib ko. Nangingitim ang paligid ng mga mata ko at namunutla pa rin ang mga labi ko. I was like a dead person trying to live. "Baka magbago ang isip niya," sambit ko na may guhit ng kirot sa dibdib. Lumapit si Riel sa likuran ko at hinaplos ang balikat ko. "Sabihin mo sa akin..." mahinang sambit ko, "kumusta siya sa mga nakaraang taon?" "He's grieving, bes, but I can see... he's happy with her." Nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. "Inalagaan siyang mabuti ni Reni. Siya iyong nasa tabi niya sa nakalipas na limang taon." "I can't... I can't