LIA ELIZA ALFARO __ "I have a surprise for you." "What, Mommy?" Nilabas ko ang dala ng mga kamay ko mula sa likuran. Agad namilog ang mga mata ni Eli. "Wow, a new bag and shoes!" Napangiti ako habang tinitingnan ang excitement sa mga mata nito. Sa halip na kunin iyon ay yumakap siya nang mahigpit sa akin. "Thank you so much, Mommy!" "You are always welcome. Come on, tingnan mo kung kasya sa'yo." Malapad ang ngiting naupo siya sa bed niya at agad binuksan ang kahon ng sapatos. Sinukat niya iyon at kasyang-kasya lang sa kaniya. I also let her try her new backpack na kulay pink dahil naalala kong iyon ang paborito niyang kulay noong bata siya. She looked so excited pero nawala rin iyon agad nang bumaling siya sa akin. "Where did you get the money, Mommy? Baka Wala na pong natira s