LIA ELIZA ALFARO __ "Oh, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Riel nang mapansing nakabihis ko. "Dadaan ako sa bahay at pupuntahan ko si Mama." Agad bumagsak ang mga balikat nito at humugot nang malalim na hininga. "Bes naman, ilang araw pa lang ang lumilipas na nakalabas ka ng ospital. Hindi pa nga tayo nakakapagpa-checkup ulit. Kaya mo na ba talagang harapin ang matandang 'yon?" "Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakakausap." She closed her eyes. "Fine, pero sasamahan na kita. Halika na." Kinuha niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas ng bahay. Napansin ko ang kulay itim na sasakyan sa labas. "Akala ko binenta mo na kotse mo?" "That's not mine. Kay Wayne 'yan. Pinahiram niya lang sa akin." Pumasok kaming dalawa sa loob. I asked her about Wayne. "Mabait naman si