PAGKATAPOS naming batiin sina daddy Godipher at daddy Luxus ay kumain na rin kaming lahat at ang iba ay nag-inuman na. Kumukuha ako ngayon ng buko salad dito sa gilid, katatapos ko lang kumain kaya ang habol ko naman ay dessert pero gano'n na lamang ang gulat ko ng hilahin ako ni daddy Luxus paalis sa swimming pool area. Hila-hila niya ako at nakita ko pa ang pag-thumbs up ni tita Susana sa akin. Eh? Saan kami pupunta? Hindi ako makapagtanong dahil nasa bibig ko ang kutsarang gagamitin ko sana sa buko salad na kukunin ko, nakapaglagay naman ako nang kaunti sa basong hawak ko bago ako mahila ni daddy Luxus. Tumigil kami sa tapat ng Mansion at doon ko lang napansin si daddy Godipher na nakasandal sa kotse at pinapaikot-ikot ang susi sa daliri niya. “Eh, saan tayo pupunta?” Takang tan