DECEMBER 24. Christmas eve na mamaya, at lahat ng tao rito sa Mansion ay sobrang abala sa mga gawaing nakaatas sa kanila. Dating gawi, kami na namang tatlo ang walang ginagawa. Pakiramdam nga namin bini-baby nila kami pero may edad naman na kami para gumawa nang mga gawaing bahay. Kaya napaisip akong gumawa na lang kami ng gulaman with s**o, gagawin din naming dessert para mamaya. Mabuti na lamang ay may stock dito na gulaman powder, clear gulaman and may s**o rin na maliliit. Niluto nina Robin at Laziz ang s**o at ako naman ay nakatoka sa may gulaman. Kumuha lang ako ng pangluto at naglagay ng tubig ayon sa nakalagay sa pack ng gulaman at dinissolve ang gulaman powder doon, hinalo-halo ko niyon at nilagyan ng asukal para may lasa na rin kahit papaano. Nang ma-dissolve ko na ng mabuti