KABANATA 24: NAGING smooth naman ang mga sumunod na araw. Panay ang gala namin ng mga kasama ko sa umaga. Pagdating sa gabi nanunuod kami ng shows. Sa mga araw na iyon ay nakakapagusap naman kami ni Elijah pero sa gabi na lang. Pag-umaga kasi ay hindi kami nagpangaabot. Talagang di ako nagigising kapag tumatawag siya sa umaga. Nagiiwan na lang ako ng message kapag paalis na ko. Basta ma-update ko lang siya okay na. Andami ko ng nabiling mga gamit ilang araw pa lang ako sa Singapore. Panay naman kasi ang shopping namin. Sinusulit ang mga araw na nasa bakasyon. Pagdating ng gabi puro naman alahas ang pinagbibili ko kapag may nagustuhan sa exhibit ng shows. Tuwing gabi present kami sa shows. Akala ko huli na ang paglapit ni Pierre pero hindi pala. Pagkatapos ng show ay balak pa kong lap