KABANATA 15: HABOL ko ang hininga ng makapasok ako sa loob. Nawala sa isip ko na may iba nga palang tao sa function room. Nahinto ang tawanan at usap ng mga matatanda doon. Ngumiti at yumuko bilang pagbati kahit na parang hinabol ng sampung kabayo ang aking dibdib. “Good evening po...” I bow my head one more time to give respect. “Look at her. She’s really beautiful...” I smiled. Tumabi ako kay Mommy habang abala ito sa pagsimsim ng kanyang tsaa. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin bago binalik ang tingin sa kausap. My future in-laws are Chinese. The old woman wears a traditional Chinese dress. Pusod na pusod ang buhok. Halata talaga ang dugong Chinese sa mga mata pa lang nito. Her skin si porcelain white. Small face with