Point of view - Ailana Martinez - Pinaliwanag sa akin ni Wong ang lahat ng dapat kong gawin sa aming pupuntahan. Matapos siyang mag-ayos ng sarili at ayusan ako, sumakay na kami sa kanyang kotse. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa akin dahil ramdam ko ang mabilis na t***k ng aking puso. Kinakabahan yata ako dahil ito ang unang beses na haharap ako sa mga mayayaman at sosyal na mga tao. Ang sabi kasi ni Wong, pupunta raw ang ilan sa kilalang tao rito sa Hong Kong, maging ang ilang mayayaman mula sa Pilipinas ay dadalo rin sa lugar na iyon. Ang iniisip ko lang, bakit kailangan pa akong ayusan? O baka naman dahil kinahihiya niya ang normal kong kasuotan. "Hello, is everything set?" Napalingon ako kay Wong nang magsalita siya at nakita kong may kausap siya sa telepono. "Very good. Mak