Point of view - Ailana Martinez - Isang liwanag mula sa bintana ang nagpagising sa aking diwa. Ramdam ko ang matinding sakit ng ulo, dahilan upang hindi ko tuluyang maidilat ang aking mga mata. Mariin akong napapikit nang marinig ko ang pagbukas ng bintana at tuluyang tumama sa aking mata ang malakas nitong liwanag. "Wake up, sleeping beauty." Isang malalim na tinig ang aking narinig. At dahil dito, pinilit kong imulat ang aking mga mata. Agad kong nakita si Wong na nakaupo sa isang sofa. Naka-cross leg siya habang seryosong nakatingin sa akin. Kumunot ang aking noo at tila may kung ano akong nakalimutan. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan at isandal ang likod sa headboard ng kama, ngunit nang ako ay umupo, mariin akong napapikit dahil sa sakit ng aking katawan. "A-Anong nangy