Point of view - Ailana Martinez - Tila may gumapang na kuryente sa aking sistema nang maramdaman ko ang paglalakbay ng kamay ni Mark sa aking balat. Pinasok niya sa laylayan ng suot kong blouse ang kanyang kamay at hinawakan ang aking katawan. Tila nagtaasan ang aking balahibo nang gawin niya ang bagay na iyon. Pilit niyang hinahalikan ang aking pisngi at panay ang iling ng aking ulo upang hindi lumapat ang marumi niyang labi sa aking labi. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha habang diring-diri sa sarili. Bakit kailangan kong maranasan ang mga ganitong bagay? Bakit kailangan kong magdusa nang ganito? Ano ba ang aking nagawa? Mga bagay na nasabi ko sa sarili. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pakiramdam ko, sa mga oras na ito, wala na