Point of view - Ailana Martinez - Minsan, hindi natin maiiwasang piliin ang mga bagay na alam nating makasasama sa atin. Kung minsan, hindi rin natin mapipigilan ang puso sa pagtibok sa taong hindi nararapat sa atin. Ngunit huwag mong isipin na dahil sa mali mong desisyon isa ka nang masamang tao. Huwag mong hayaang maapektuhan ang iyong isip sa sinasabi ng iba. Nandiyan sila upang hamakin ka, apakan ka, hilahin ka pababa, ngunit sa huli, muli kang babangon at masasabing kinaya mo ang lahat. Kinaya mo ang lahat ng sakit at batikos na binato sa iyo ng mundo. Kumapit ka at huwag susuko. Mali man ang una mong naging desisyon, hindi pa huli ang lahat upang ito ay iyong itama. Hangga't ikaw ay humihinga, may karapatan kang lumigaya at baguhin kung ano ang mali mong nagawa. Huwag mong hayaa