Chapter 48 "Ayoko nito! Ayoko nito!" Nagwawala ngayon ang prinsesa at pinagtatapon iyong mga damit at laruan na nasa kama niya. Takot na takot ang nga tagapaglingkod. Ilan sa mga ito ay may injury at tahimik na umiiyak sa sulok. Galit na galit ang batang babae specially sa mga naririnig niya mga kumakalat na balita. May puting buhok kasi ang pangalawang prinsesa at talagang kakaiba daw ang ganda ng batang babae. "Anong tinatayo niyo! Hanapan niyo ako ng mas magandang kasuotan!" Bahagyang napailing na lang ang head maid sa asal ng prinsesa ngunit wala sila magawa. Ito ang susunod na reyna at responsibilidad nila ang batang babae. May itim na usok ngayon ang umiikot sa batang babae at naghugis tao ito. Mula sa likod hinawakan nito ang leeg ng bata at may mga binulong. Kalaun