Chapter 64 3rd Person's POV "Wait! Delikado ang bagay na iyan!" sigaw ni Lilac. Nakita kasi nila ang dalawang lalaki kanina. Mukhang balak ng mga ito kuhanin ang crystal. Wala sa mga babae ang makatayo. Nanghihina na sila. Napangisi na lang ang bata dahil sa idea na balak ng dalawang lalaki na mag-suicide. Nakasakay si Valkyrie sa itim na lobo. Tumakbo ang lobo at tumalon. Ginamit ni Valkyrie ang whip para ipulupot doon ang crystal. Bago tumama ang whip sa crystal nagliwanag ang bracelet na suot ni Valkyrie. Nawala ang ngiti ng batang babae. "Sa tingin mo hahayaan ko ang balak mo!" May kuryente na lumabas sa palad ng bata. Inangat niya ang palad at mula doon lumabas ang bulta-bultahe na kuryente. Tatama iyon kina Valkyrie at Leonard. Nagulat ang dalawang lalaki. Hindi nila ine