Chapter 52 3rd Person's POV Nakayuko si Karren habang kausap ang lalaking nakaupo sa kama. "Paano nasabi ng prinsesa na pula ang mata niya kung wala pa siya sa tamang edad para ma-identify ang mga kulay matuto magsulat at magbasa," ani ng lalaki. It's make sense since wala pang nagtuturo sa prinsesa ng mga bagay na iyon. "Iniisip niyo ba mahal na prinsipe na may mga taong nagsasabi ng masama sa prinsesa?" tanong ng aide. "Kung kinakailangan Karren gamitin mo ang pangalan ko para mas mabantayan mo ang prinsesa gawin mo. Hindi ko hahayaan na i-torminate ng mga tao na iyon ang kapatid ko habang nabubuhay pa ako," ani ng lalaki. Umihip ang malamig na hangin. Lumipad ang mga kurtina at doon nakita ni Karren ang taong nasa likod ng mga kurtina. Iyon ang unang prinsipe ng Castelliona.