Chapter 54 "Mahal na prinsipe." Lumingon ang isang lalaki na may pulang kasuotan at may kulay gintong disenyo. Mahaba ang buhok nito at may silver na pin na naka-ipit sa mahabang buhok nito. Nagtatakbuhan ang maliliit na nilalang na agad pumalibot sa lalaki. Isang fox ngayon ang huminto sa harapan ng lalaki at sa likod nito bumaba ang maliliit na hayop na siyang lumipad palapit sa lalaki. "Mabilis ang pagrami nila. Nakakatuwa." Umupo ang lalaki at hinaplos ang balahibo ng rabbit na may tatlong buntot. "Salamat sa iyo mahal na prinsipe. Hindi ako makapaniwala na darating pa din iyong araw na makikita ko sila." Napatigil si Valkyrie at tiningnan ang fox. Bakas sa mukha nito ahg lungkot. "Kung nagpapasalamat ka bakit mukha kang iiyak?" tanong ni Valkyrie na natatawa. Oo si Val