Chapter 61 3rd Person's POV "Mahal na reyna. Sinasabi niyo ba na aalis kayo mag-isa!" Matapos kasi ang pagdating ng halimaw kanina hindi na umalis ang mga lobo sa lugar. Hindi na nila mahanap ang labasan at malakas ang kutob ng reyna na may kumokontrol sa lugar na iyon. "Hindi tayo maari magtagal sa lugar na ito," ani ng reyna. Nag-aalala si Archer ngunit alam niya sa sarili niya na wala ma siya magagawa once na magdesisyon ang reyna. "Iiwan ko dito si Moren. Kapag nahanap ko ang daan tatawagin ko siya at agad niyo ako mahahanap," ani ng reyna. Binilin ni Mystica ma kahit anong mangyari ay huwag ang mga ito aalis ng karwahe. Nilagyan iyon ni Mystica ng malakas na proteksyon kaya walang ibang lugar sa lugar na iyon bukod sa loob ng karwahe ang pinaka-safe para kina Archer. Inan