Chapter 83 Habang naglalakbay ang reyna kasama sina Valkyrie hindi mapakali si Valkyrie sa mga lumipas na araw. Pakiramdam niya kasi may nanonood sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo si Valkyrie sa harap ng bonfire kaharap si Leonard at Tetro. Kausap ng reyna ngayon si Calypso at ang mariposa hindi kalayuan sa lugar nila. "Mahal na prinsipe? Anong problema? Hindi ba kayo nakakatulog ng maayos?" tanong ni Leonard. Nangingitim kasi ang ilalim ng mata ni Valkyrie at tama si Leonard— hindi nakakatulog ng maayos si Valkyrie. "Tama hindi ako makatulog. Lagi akong nagigising sa kalagitnaan ng gabi dahil sa masasamang panaginip," ani ni Valkyrie. Hindi na din ni Valkyrie na pagtutuunan ng pansin ang reyna dahil doon. Tiningnan ni Valkyrie ang reyna na kaharap si Calypso. Lumapit ang doctor at