Chapter 85 Nagpasalamat si Valkyrie sa mariposa dahil nailigtas sila nito kanina. Agad na yumuko ang mariposa at sinabing kulang pa iyon sa pagligtas sa kaniya ni Valkyrie at pagkupkop sa kaniya. "Habang buhay ko na tatanawin iyon na utang na loob mahal na prinsipe," ani ng mariposa. Lumambot ang expression ni Valkyrie at sinabing masyado mabigat ang tinatanaw na utang na loob ng mariposa. "Masyado ka pa bata," ani ni Valkyrie na natatawa. Sa tingin ni Valkyrie ay nasa 18 years old lang ang mariposa at hindi nalalayo ang edad sa mga anak niya. "Sa ngayon kung may nais 'man ako gawin mo ngayon ay iyon ay matulog, kumain at matuto. Iyon ang ginagawa ng mga bata na tulad mo," ani ni Valkyrie at ginulo ang buhok ng babae na agad nangilid ang mga luha. "Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang b