Chapter 91 "Wala ako maalala." Hawak ng mariposa ang ulo. Pagdating nila kung nasaan ang camp site bumalik na sa wisyo ang mariposa. Naalarma pa ang mga tagapaglingkod dahil akala nila na-possesed ang babae matapos mapasigaw ito noong nakita ang sarili na buhat ni Leonard. Pulang-pula din ang pisngi nito hanggang sa leeg. Kung hindi pa sinabi ng babae na nahihiya lang siya ay ipapatawag nila agad ang reyna para i-purify ang mariposa. "Anong klase ba ingay narinig mo?" tanong ni Valkyrie. Nakatayo ang lalaki at sa likod nito si Calypso na patingin-tingin lang sa mga kasama niya. "Nakalimutan ko na," ani ni Leonard. Nawala na sa isip niya ang klase ng ingay na narinig niya. Masyado iyon weird and worst pagbalik nila doon wala na iyong kapatagan na nakita nila. Tubig na ang nasa il