Chapter 81 "Tutungo ba tayo ngayon sa palasyo ng pangatlong prinsipe," tanong ni Valkyrie habang nakatingin sa bintana. Familiar kasi ang daan na iyon. "Nakatanggap ako ng sulat na nasa palasyo na ang mate ng pangatlong prinsipe which is isa din na sirena," ani ni Mystica. Nalaman ni Valkyrie na walang ala-ala ang sirena na kasama nila maaaring may makuha nga silang impormasyon sa mate ng pangatlong prinsipe about sa sirena. Hindi sapat ang libro at kaalaman nila para magawang protektahan ang sirena. "Hindi ka namin ibabalik? Nangako ako isasama kita sa castelliona hindi ba?" Hawak ng sirena ang kamay ni Mystica mukhang inaakala nito na ibabalik siya ni Mystica sa pangatlong prinsipe. "Bakit natatakot ka? Hindi ba maganda pakikitungo sa iyo ng prinsipe?" Mabilis na umiling ang sir