04

1071 Words
Chapter 04 3rd Person's POV Nakatingin lang ang reyna kay Valkyrie na tila may malalim na iniisip. Kung sakali ay wala din siyang balak kasi ibigay iyon sa konsorte lalo na kung hindi naman kailangan. Lumbhang delikado iyon hindi lang para sa kaniya kung hindi para na din sa bampira. Kapag namatay siya siguradong mamatay din si Valkyrie at hindi nito kakayanin ang ikalawang marka. "Hindi mo kailangan ng ikalawang marka para kilalanin ng lahat Valkyrie." Napatingin ang prinsipe. Sinabi ng prinsipe na iyon lang ang tanging paraan para maniwala ang reyna at ang mga tao sa palasyo na wala na siyang balak gumawa ng masama. Maitama lahat ng mali niya. Sa mga salitang iyon ni Valkyrie mas lalong nais malaman ng reyna kung anong nangyari kay Valkyrie sa mga nakaraan na araw. Iba ang kinikilos nito. Lumipas ulit ang dalawang araw. Hinayaan na siya ng reyna lumabas ng palasyo niya at may bagay na nilagay si Karren sa leeg ng konsorte. Paulit-ulit na tinatanong ni Karren kung hindi ba uncomfortable si Valkyrie. Pumayag na kasi si Valkyrie na kabitan siya sa leeg ng luminous collar. Gawa ang collar na iyon sa magic stone. Matapos gamitan ng ritual ay dapat sundin ng may suot 'non ang mga pinangako niya sa stone dahil kung hindi ay ma-activate ang collar na iyon at hindi nito kakayanin ang kuryente na lalabas sa collar base na din sa level ng kapangyarihan ng nagsuot. Nag-aalala si Karren hindi lang dahil sa kakayahan ng collar kung hindi dahil na din sa mismong pinangako ni Valkyrie. Kahit ang mga nasa temple ay nagulat doon. Sinabi lang naman kasi ni Valkyrie na kailan man ay hindi niya tatraydurin ang reyna at tanging ang reyna na lang ang paglilingkuran niya. "Karren pwede ba ako pumasok sa gubat? Nais ko maglaro." Tinanong ni Karren kung nais ni Valkyrie ng kasama. Ngumiti si Valkyrie at sinabing habulin siya ni Karren. Agad na yumuko si Karren at nilagay sa dibdib ang isang kamay. Tumakbo si aa Valkyrie papasok ng gubat. Kakaiba ang bilis ng bampira at para itong malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga sanga ng puno. Nag-anyong lobo si Karren at agad na hinabol si Valkyrie papasok ng kagubatan. Tinitingnan ni Karren ang konsorte na natutuwa na tumatalon sa mga sanga ng puno at tila lumilipad. Naiintindihan ni Karren kung bakit ganoon na lang ang tuwa ng konsorte. Iyon ang unang beses na hinayaan ng reyna na lumabas ng palasyo nito ang konsorte simula ng mapunta ang kaharian na iyon sa angkan ng mga lobo. Kung nakakalabas man kasi ang konsorte ito ay kapag tumatakas ito at wala iyong permiso ng reyna. Nakuha ng konsorte ang ikalawang marka matapos nga si Valkyrie na mismo ang nagsabi sa nangyari sa kanila ng reyna. Ang pabor naman na hiningi ni Valkyrie iyon ay ang proteksyon at ang suporta ng reyna. Ang collar na iyon ay palatandaan ng kasunduan at lahat ng royal consort ay meron. Nakarating si Valkyrie sa isang ilog na nasa gitna ng kagubatan. May malaking bato doon. Lumapit si Valkyrie sa bato na iyon. "Anong problema mahal na konsorte?" Lumapit si Karren at nasa anyo itong lobo. Bumakas kasi sa mukha ng lalaki ang lungkot. Nag-aalala ang beta. "Sa lugar ko na ito unang nakita ang reyna at hindi ko pa alam na isa siyang lobo." Napatigil si Karren. Tiningnan mabuti ang konsorte. Flashback Muli ay tumakas si Valkyrie sa palasyo para tumungo sa gubat at maglaro. Napagalitan na naman kasi siya ng kaniyang ama kagagawan ng mga kapatid niya. Para kumalma ay pumupunta siya sa gubat at tumatakbo. Para magpahinga ay pumupunta siya sa ilog para tumambay at sumamyo ng malamig na hangin. Noong papunta na siya sa lugar ay napatigil siya matapos may makita siyang napakagandang babae. Natulala si Valkyrie at hindi naalis ang titig sa magandang babae na nakita niya. Nakaupo sa itaas ng malaking bato ang babae at tila may tinitingnan mula sa malayo. Umihip ang hangin. Lumungon ang dalaga sa direksyon ni Valkyrie. Wala na doon ang binata. May narinig ang dalaga na sumisipol. Mula sa likod ng isang malaking puno sumilip si Valkyrie at pagtingin niya doon ay wala na ang magandang babae na nakita niya. Lumabas si Valkyrie. Napatanong si Valkyrie kung saan angkan galing ang babae dahil ngayon lang niya ito nakita. End of the flashback Maganda ang reyna noong kabataan nito ngunit mas lalo pang gumanda ang reyna noong lumipas ang mga taon. Napatitig si Valkyrie sa malaking bato. Naalala ni Valkyrie na doon niya unang beses nakita si Mystica at sa lugar din niya na iyon hinatid si Mystica sa huling hantungan nito. Malapit sa bato na iyon ang lugar kung saan niya hinimlay ang katawan ni Mystica. Doon din ni Valkyrie hinintay ang oras niya. Napakahalaga ng lugar na iyon kay Valkyrie kaya naman noong mabigyan siya ng permiso na lumabas ng palasyo ay doon siya unang pumunta. "Alam mo ba Karren sabi ng ina ko mahiwaga ang bato na ito." Nagtaka si Karren. Hindi niya inalis ang tingin kay Valkyrie. "Mukhang ordinaryong bato lang naman iyan mahal na konsorte." Walang nakikitang special si Karren sa bato na iyon. Napangiti si Valkyrie at lumingon. "Alam ko at nakikita ko ngunit sabi nga ng ina ko— walang masama minsan maniwala." Tinanong ni Karren kung naniniwala si Valkyrie na mahiwaga ang bato na iyon. Imbis sumagot ay tumawa lang si Valkyrie at inaya na si Karren bumalik sa palasyo. Sa mga lumipas na araw wala naman ginawang mga espesyal na nangyari. Pumupunta palagi si Valkyrie sa opisina ng reyna doon ay nagpapaturo siya sa pagbabasa at pagsusulat kahit pa may ilan ng guro ang nagtuturo kay Valkyrie. "Bumibilis ka na magbasa." Ngumiti si Valkyrie at sinabing magaling ang naging unang guro niya. Nag-unat si Valkyrie at tiningnan ang tambak na libro sa gilid ng lamesa niya. Naibaba ni Valkyrie ang mga kamay. Naalala niya bigla iyong time na buong isang linggo siya nakaupo sa harap ng malaking bato dahil sa nais niya isulat ang name ni Mystica. Tiningnan ni Mystica si Valkyrie. Muli ay nakita niyang may malalim na iniisip si Valkyrie. Gusto malaman ni Mystica kung anong eksaktong iniisip ni Valkyrie ng mga oras na iyon dahil sa mga nakikita niyang emosyon sa mga mata ng konsorte. Gusto ni Mystica itanong kung anong nangyari kay Valkyrie sa mga lumipas na araw para gumawa ng mga ganoong expression si Valkyrie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD