Chapter 75 Nasa loob ng karwahe si Mystica at Valkyrie noong may humarang sa sinasakyan nila na karwahe. Napatili ang mga tagapaglingkod na na nakasakay sa kabilang karwahe noong biglang nataranta ang mga kabayo. Nakatingin lang si Valkyrie sa bintana at nakapako ang tingin sa mga bandido na bigla na lang humarang sa kanila. Napaayos ng upo si Valkyrie at napatingin sa lalaking mukhang leader ng mga bandido. Iisa lang itong mukhang galing sa kilalang pamilya ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ni Valkyrie kung hindi ang brooch na suot nito. May disenyo iyon ng lotus flower at kapag tinatamaan ng liwanag ay naghahalo ang kulay ng pink at asul. "Huwag ka na lumabas Valkyrie kaya na ni Leonard iyan at Tetro," ani ni Mystica matapos makitang hawakan ni Valkyrie ang pinto ng kar