Chapter 57 3rd Person's POV "Mahal na reyna may mga cursed beast na patungo dito. Kailangan na natin umalis." Dumating ang ilang mga kawal. Buhat ng isa sa mga kawal ang sirena at sila ngayon ay papasok ng gubat. "Mahal na reyna anong klaseng nilalang iyong nakita natin kanina? Demon ba iyon?" tanong ni Archer. Hindi mawala sa isip ni Archer ng malaking halimaw na sumira ng gate at ang itim na bagay na nakapalibot sa halimaw na iyon. "Akala ko ako lang nakakita," ani ng reyna. Masyado mabilis ang bagay na iyon ngunit sigurado siya na may kinalaman ito sa biglaang pag-atake ng cursed beast. Flashback "Nahanap na niya ako. Kailangan natin umalis," ani ng sirena. Bakas sa mukha nito ang takot. Hindi bumubuka ang bibig nito ngunit malinaw nila naririnig ang boses ng sirena. "Sin