Chapter 59 "Hah," react ng isa sa mga lobo matapos maputol ang isang kamay niya noong sinangga niya ang espada. Hindi nag-react ang mga kasama nito at para bang natatawa pa ang mga ito noong makita iyon. Nagulat ang ilan sa mga bampira dahil parang wala lang iyon sa babae. Mas lalo pa nagulat ang mga ito noong nabuo muli ang mga kamay nito at parang walang nangyari na tumayo. Noong aatake muli ang lalaki pumulupot sa katawan nito ang mga baging at nagulat sila matapos tila naging matatalas na patalim iyong mga damo na bigla na lang lumaki at tumusok iyon sa iba't ibang bahagi ng katawan ng lalaki. "Carnate, ang kalat mo pa din. Hindi ba maari magtrabaho ka ng malinis?" Reklamo ng isa sa mga lobo na pinunasan ang sarili gamit ang mga kamay. "Tama na ang laro— marami pa tayong da