Stela POV: Maagang umalis ang inay para mag tinda muli sa palengke. Si Juan naman ay maaga din pumasok sa school. Ako at si Zeth naman ay sabay ulit na pupunta sa kabilang ibayo para mag turo. Hay sana pang habang buhay na ito. Mahal ko siya mahal na mahal at alam kong mahal din niya ako. Mamahalin niya ako. "Zeth tara na?" Kanina ko pa tinatawag ang pangalan niya ngunit hindi siya sumasagot. "Zeth? Zeth?" Natagpuan ko siya mismo sa kuwarto ko at masama ang tingin sa mga dyaryong nakatago mismo sa papag ko. "Zeth ano yan?" Tumingin ito ng masama sakin. "Zeth? Hindi ako si Zeth! Matagal mo na pala akong niloloko! Hindi mo man lang sinabi saking hinahanap ako ng pamilya ko!" Nakadyaryo na kasi ito. At siya si Luke Esteban ang bilyonaryong nag mamay-ari ng Verde East Corporatio