Stela POV: "Ate ate! Tara dito dali gising na yung gwapong lalaki." Pinuntahan ako ni Juan. Naglalaba kasi ako habang ang inay ay nasa palengke ulit at nagtatrabaho. Dali dali kong tinakbo ang kinaroroonan nito. Nakita ko siyang nakaupo na habang iniikot ang paningin sa buong paligid. Napadpad sakin ang tingin nito. Kulay asul ang mga mata niya. Napaka amo ng mukha niya na kahit sino pang babae at tiyak na magkakagusto sakanya. "Who are you?" "Patay ate amerikano nga." Sabi ni Juan. Ako naman ay nakakaintindi din kahit papano. Nakapagtapos naman ako ng nursing ngunit pagtuturo ng simpleng engles ang gusto ko. "Where am I?" Hindi na ako nakapagsalita. Bawat salita nito ay lalo siyang gumagwapo. "Ouch." Napahawak pa siya sa ulo niya na may benda." "Ah Mr. Are you alright?"