Abby's POV: Ilang linggo din ang lumipas... Masaya akong nilalaro ang anak kong si Alaura na nasa stroller. Nililibot ko siya ngayon sa likod ng mansion kung saan napapalibutan ito ng ibat ibang uri ng mga bulaklak. "Alaura anak nakikita mo ba ang mga pulang rosas na to? Kasing ganda mo to anak." Sabi ko kahit na alam kong hindi pa niya ito naiintindihan. "Lalaki kang isang maganda, mabait at matalinong bata." Nasilayan ko naman ang pagngiti sa mga labi nito na akala mo ay naiintindihan ang mga sinasabi ko. "Señorita Abby?" Napalingon ako kay Mildred isa sa mga katulong dito sa mansion. "Señorita may naghahanap po sainyo." "Huh? Sino naman?" "Nako Señorita isang maganda pong babae at isang di naman kagwapuhan na lalaki." "Ah ganon ba, sige pakibantayan muna si Alaura ha." "Ah