ANGHELINA NA’NG dumating na ang mama ko galing palengke, ako naman ang tumulong sa maid para ma-arrange ang kanilang mga pinamili. Si mama naman ang nag-take over para alagaan si Anghelita sa kuwarto n’ya. Med’yo humupa na ang lagnat ng kapatid ko. Mga thirty 38 degree Celsius na lang. She already took medicine. Hindi ko pa ‘yon papapasukin bukas para makapagpahinga pa s’ya ng maayos. I know she’s been studying so hard. Hindi mahirap pakiusapan ang kapatid ko. Sinusunod n’ya ang aking payo dahil alam n’ya kung ano ang estado ng buhay namin. “Heto na po ang green apples n’yo ma’am.” Habang nag-t-type sa biniling laptop ni Don Dario para sa ‘kin, sumulpot ang maid sa left side ko at nilapag n’ya ang bowl ng sliced apples sa ibabaw ng study table. Naka-upo na ako ngayon sa swivel chair.