PARA akong nabingi sa mga narinig ko mula kay Kruger. Nahinto saglit ang aking pag-hinga habang tinititigan s’ya sa ‘di makapaniwalang tingin. Unti-unting uminit ang buong mukha ko na tila biglang umipon doon ang aking lahat ng dugo. The intense heat evaporated in my whole face. Hindi ako naka-kurap. “P-Paki ulit nga ang sinabi mo?” mariing usal ko sa kan’ya habang palihim kong kinukuyom ang magkabila kong mga kamay. Dahan-dahan s’yang umupo ng tuwid habang sinusundan ko ang bawat kinikilos n’ya. “Ang linaw ng aking pagkakasabi. Hindi mo pa narinig? I said, just abort that child dahil hindi ko naman pala mapapakinabangan iyan—“ At doon na ako tumayo sa pagkakaupo at kinapitan ko ang isang bote ng alak na naka-lapag sa ibabaw ng center table. Humugot ako ng napakaraming lakas at walan