ANGHELINA UMECHO sa dalawang butas ng aking mga tainga papasok sa utak ko ang mga binanggit ni Kruger. Tinitigan ko s’ya pababa pataas para maiparating sa kan’ya kung seryoso ba s’ya. I hate looking at him like this. Maganda naman ang mood ko kanina. Pero nu’ng tinawagan ako ni Gideo na paparito raw dito si Kruger, sumama ang pakiramdam ko. Wala kasi akong tiwala sa kan’ya. Natatakot akong puntahan n’ya ako rito. Na-p-praning yata ako dahil may sikreto akong tinatago sa kan’ya. Kahit sinasabihan ako ni Don Dario na huwag na’ng mag alala, hindi ko pa rin mapigilang maging balisa. “Are you serious?” mariing usal ko sa kan’ya habang sinasalpukan ko s’ya ng mga kilay. Hindi ako inasahan na ganoon ang lalabas sa bibig n’ya. I won’t trust this man. Hindi ko talaga nalalaman ang instinct ni