GIDEO “Posasan n’yo ang talipandas na babae na ‘yan!” Dinala naming dalawa ni Gadreel sa punishment ground ang pangahas na babaeng lumatigo kay Anghelina. “Yes, Sir!” Marahas kong tinulak si Athalie. Humandusay s’ya sa sahig. Tumigil kami ni Gadreel sa kan’yang harapan habang gumagapang s’ya paatras sa amin. “I-ISUSUMBONG KO KAYO KAY KRUGER! MALALAGOT KAYO KAY KRUGER!” she shouted those words from the top of her lungs. Nakakairita ang kan’yang boses. I really want to kill this woman. Umaapoy ang aking buong katawan. Hindi ko sukat akalain na magagawa iyon ng babaeng ito ang ganoong bagay kay Anghelina. Dapat namin s’yang maparusahan kahit ano pa ang mangyayari sa amin ng underboss. Pinosasan ng mga soldiers patalikod ang mga kamay ng babaeng ito. Pinaluhod s’ya sahig. While glari