[ JONATHAN POV ] Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast habang pinapanuod ang monitor kung ano nangyayari sa kwarto ng kapatid ko, mahigit 2 weeks na pero hanggang ngayon kasi hindi pa din gumigising ang kapatid ko, pa minsan-minsan pumupuslit kami sa kwarto niya kapag walang tao. Katulad ngayon, walang tao sa kwarto niya kaya agad kaming nag punta doon, lumapit ako kay Ziane, napaka amo talaga ng mukha ng kapatid ko, hawak ni Dean ang kamay niya at si Jake naman ay nasa tapat ng pinto, siya kasi ang nag babantay kung sakaling may dumating. "Ziane." nabigla ako ng bumukas ang mata nito kaya napatingin si Dean at Jake sa nakahigang Ziane. "Kuya." mahinang sabi niya, sapat na para marinig namin. "Kamusta ka? tatawag ba kami ng dortor? may masakit ka bang nararamdaman?" pag aalalang t