CHAPTER 3

2011 Words
CHAPTER 3 "Tebrikler, Ozcan." (Congratulations, Ozcan.) Narinig niyang wika ng isang lalaking lumapit sa kanilang kinaroroonan. He was wearing a long trousers and with a sleeved top. Humarap ito sa lalaking nasa kanyang tabi at marahan na inabot ang kanang kamay para sa isang pakikipagkamay. Inabot iyon ng lalaking nakatayo sa mismong tabi niya saka nakangiting nagpasalamat dito. "Çok tesekkür ederim," wika ng kanyang katabi na ang ibig sabihin ay 'thank you so much'. Ilang saglit na nag-usap ang mga ito tungkol sa negosyo. Hindi niya maintindihan kung bakit naririnig niya ang mga ito ngunit hindi niya maaninag ang mga mukha. They were laughing as if they were talking about funny things. Ngunit hindi niya makita, kahit ang mga nakangiting mga labi ng mga ito. Agad niyang iniikot ang kanyang mga mata sa buong bulwagan. Hindi niya maintindihan kung nasaan sila. Maraming tao. Lahat ay nakabihis para sa pagtitipon na iyon. Pagtitipon na hindi niya alam kung para saan. Some were busy chatting with others. Ang iba naman ay nakatuon sa pagkaing nasa harap na mesa ng mga ito. All of them looked genuinely happy. At hindi niya maintindihan kung bakit siya naroon. Ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon? Sino ang mga taong kasama niya? Why are they talking foreign words? And the worst of all, bakit naiintindihan niya ang mga ito? Hindi ba at kagagaling niya lang sa talyer ni Mang Erwin? Maghapon siyang nagtrabaho doon at pagkatapos ay umuwi siya sa bahay nilang mag-ina. Paanong nangyaring narito siya sa ganitong lugar? Sino ang mga ito na wari niya pa ay mga taong nakakakilala sa kanya? He tried roaming his eyes. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. He could hear them loud and clear. Ngunit bakit hindi malinaw sa kanya ang mga mukha ng mga ito? "Mattheo? Mattheo?" Sunod-sunod na tawag ng lalaking nasa kanyang tabi. Ni hindi siya lumingon. Kung sino man ang tinatawag nito ay hindi niya alam. Hanggang sa napapitlag na lamang siya nang bigla siyang hawakan nito sa kanyang balikat. Agad siyang napalingon sa lalaki at napagtantong siya ang tinatawag nito. He was smiling to him. He was so sure of that. Pero bakit hindi niya makita ang mukha nito? Hindi niya makita ang mga mata nitong nakatutok sa kanya. "Mattheo. . . Matteo. . ." Paulit-ulit nitong usal sa pangalang iyon. Ang tinig nito ay buong-buo. Rinig na rinig niya hanggang sa wari ba ay papalayo nang papalayo ang nagsasalita. Agad niyang naisabunot ang kanyang dalawang kamay sa kanyang buhok. His head was aching. A different ache that he can't understand. Hanggang sa mistula ay niyuyugyog na siya ng taong kanyang kaharap. "Mattheo! Mattheo!" Agad na napabalikwas ng bangon si Miguel. He needed to catch his breath for a while. Sa wari ba ay tumakbo siya ng napakalayo at kinailangan niya pang hintaying bumalik sa normal ang kanyang hininga. Hanggang sa tuluyan na siyang naupo sa kanyang katre at mataman na binalikan ang kanyang panaginip. That dream! That dream again! Ilang beses niya na ba napapanaginipan ang ganoong tagpo. Paulit-ulit. Iisang senaryo. Pare-parehong tinig ang kanyang naririnig. At nasisiguro niyang pare-parehong tao ang nasa panaginip niya. Simula nang bata pa siya ay madalas siyang magkaroon ng mga kakaibang panaginip. Karaniwan sa mga iyon ay katulad sa kung ano ang napanaginipan niya ngayong gabi. He often dreamt of men. Mga lalaki. They seemed to be powerful. Kung bakit ganoon ang konklusyon niya ay hindi niya alam. Iyon ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ang mga ito sa kanyang panaginip. Then, their language. Alam niya na banyagang wika ang binibigkas ng mga ito. Ngunit kung sa ano mang kadahilanan ay wari bang naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga ito. Para bang bihasa siya sa ganoong lengguwahe at kayang-kaya niyang makipagsabayan ng pakikipag-usap sa mga lalaki. Malinaw na malinaw sa kanya ang mga pinag-uusapan ng mga tao sa kanyang panaginip. Ngunit kailanman ay hindi ang mukha ng mga ito. Ni minsan ay hindi niya pa nakita ang hitsura ng mga tao sa kanyang panaginip. Kung tutuusin ay maaari niyang balewalain na lamang ang tungkol sa bagay na iyon. Madalas naman ay nalilimutan ng mga tao kung ano ang napapanaginipan nila. And it was only a dream. Ngunit hindi sa kaso niya. Hindi sa mga nagiging panaginip niya. They were different. . . and weird. Sa edad niyang dalawampu't lima ay hindi na niya mabilang kung ilang ulit na niyang napanaginipan ang ganoong tagpo. At sa bawat pagkakataong magigising siya ay hindi nawawala sa kanyang isipan ang tagpong gumugulo sa bawat niyang pagtulog. Naaalala niya ang bawat eksena at ang bawat katagang binibitawan ng mga kasama niya. Pero kailanman ay hindi ang mga mukha ng mga ito. Iyon lang ang hindi klaro sa isipan niya. Marahas na inabot ni Miguel ang hinubad niyang t-shirt bago siya natulog kanina. Noon pa man ay lagi na siyang natutulog na walang pang-itaas. Pagkakuha sa kanyang t-shirt ay marahan niya iyong ipinunas sa kanyang dibdib. Naroon ay ang kanyang butil-butil na pawis. Pawis na alam niyang sanhi ng panaginip niya kanina. Ganoon lagi sa tuwing nagigising siya mula sa kanyang mga panaginip. Parati na ay pawis ang kanyang katawan at lagi siyang nakararamdam ng pagkahingal na sa wari ba ay napakalayo ng kanyang nilakbay. Mayamaya pa ay lumabas si Miguel mula sa kanyang sariling silid at tinalunton ang daan patungo sa kanilang kusina. Ni hindi na siya pinagkaabalahan pang buksan ang main switch ng ilaw. Sapat na sa kanya ang liwanag na nagmumula sa malamlam na ilaw mula sa kanilang altar. Pagkarating sa kusina ay agad siyang kumuha ng inuming tubig. He needed it. Parang nanunuyo ang kanyang lalamunan dahil sa labis na pag-iisip. Gusto niyang mabigyan ng linaw. Para saan ang mga panaginip na iyon? Bakit paulit-ulit na bumabalik sa kanya? At ang pangalan na lagi niyang naririnig sa mga ito--- Mattheo. Sinong Mattheo? And why they seemed to call him by that name? Marahan na niyang inilapag ang basong kanyang ininuman sa ibabaw ng lababo. Kung hindi siya nagkakamali ay mag-aalas kwatro pa lamang ng madaling araw. May natitira pa siyang humigit-kumulang na dalawang oras para bumalik sa pagtulog bago pumasok sa kanyang trabaho sa talyer. Iyon ay kung makababalik pa siya sa kanyang pagtulog! Alam niyang mahuhulog na naman siya sa malalim na pag-iisip dahil sa naging panaginip niya. ***** MAG-ISANG naglalakad si Miguel patungo sa talipapa malapit sa kanilang lugar. Sabado ng umaga at dahil sa wala masyadong gawa sa talyer ay siya muna ang nagprisentang mamalengke para sa kanilang mag-ina. Ang kanyang ina ay pinayuhan na muna niyang manatili sa kanilang bahay. Ilang araw na naman na hindi maganda ang pakiramdam nito. He was worried. Ito na lamang ang mayroon siya at hanggang maaari ay nais niya na nasa mabuti itong kalagayan. Sinunod naman ng kanyang ina ang nais niya na huwag muna tumanggap ng labada. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya roon sapagkat natututo na itong makinig sa kanya. Ngunit kasabay naman niyon ay ang pagdodoble kayod niya para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Matapos mabili ang mga rekado ng lulutuin niya para sa araw na iyon ay naglakad na siya pabalik sa kanilang bahay. Malapit lang naman ang talipapa sa kanila kaya hindi na niya kinailangan pang sumakay ng tricycle. Papaliko na sana siya sa isang kalsada na patungo sa kanila nang maagaw ang kanyang atensyon ng mga nagkukumpulang tao. Hindi niya ugaling makiusyoso sa kung ano mang gulo. But for some reasons, Miguel found himself stopping on his feet. Gusot ang kanyang noo habang nakatanaw sa mga tao na kung sa ano mang rason ay nagtitipon-tipon doon. Ang mga ito ay malapit sa may covered court sa kanilang barangay. Sa halip na tahakin ang daan pauwi sa kanila ay natagpuan ni Miguel ang kanyang sarili na tumawid ng kalsada at naglakad patungo sa may covered court. May mangilan-ngilan siyang nilampasan na mga tao, na katulad niya ay nakikiusyoso lang din, upang makarating lang sa may unahang panig. Tumayo siya ilang metro na lamang ang layo sa kung ano man ang pinapanood ng mga tao. Then, his forehead furrowed. Ang pinapanood ng mga tao ay. . . shooting? Naroon sa gitna ng covered court ang ilang staffs na abala sa pag-aayos muli ng set. Nagkalat ang ilang camera na siyang ginagamit para kunan ang naturang eksena. May ilang props din na sadyang nilagay sa lugar upang mas maganda at kaaya-ayang tingnan iyon. He roamed his eyes around the place. Nasa isang sulok ng covered court ang ilang upuan at doon ay nakapuwesto ang dalawang lalaki na siyang pinagkakaguluhan ng mga tao para panoorin. If he was not mistaken, those two men are famous models. Laman na ang mga ito ng iba't ibang commercial at ngayon ay nag-uumpisa nang sumabak sa pag-aartista. Hindi niya kahiligan ang panonood ng telebisyon kaya hindi siya gaanong pamilyar sa mga pangalan ng mga ito. Marahil ay ang mga ito ang kinukuhanan ngayon ng eksena sa kanilang lugar. Kung ano mang palabas iyon ay wala siyang ideya. Pumihit na siyang muli pabalik sa kanyang pinanggalingan upang sana ay ipagpatuloy na ang kanyang paglalakad pauwi. He does not need to stay there longer than necessary. Maliban sa kailangan na niyang makauwi agad para sa kanyang ina ay wala siyang hilig sa panonood ng mga artista. Nakailang hakbang na siya palayo sa naturang lugar nang sa muli ay matigilan si Miguel. A familiar car parked few steps away from him. Alam niya na maraming ganoong klaseng sasakyan. Sa ilang buwan niya sa talyer ay ilang kotse na ba ang nakita niya na may ganoong pintura? Hindi niya na rin mabilang. Ngunit sa kung ano mang kadahilanan, huminto si Miguel sa kanyang kinatatayuan at hinintay na lumabas ang kung sino man na nagmamaneho noon. Hindi pa naglipat sandali nang bumukas ang pinto sa may driver's seat niyon at lumabas ang babaeng inaasahan niya na siyang lulan ng naturang sasakyan. Miguel held his breath. Standing few steps away from him was the woman who looked so familiar to him. Marahan na nitong isinasara ang pinto ng sasakyan nito habang bitbit ang dalawang eco bag na inabot nito mula sa backseat ng sasakyan. May ilang folders din na nakaipit sa kaliwang kilikili nito. Siniguro muna nitong naka-lock ang mga pinto ng sasakyan bago naglakad palayo. Ni hindi siya nito napansin. Marahil ay dahil sa mistulang nagmamadali ang dalaga kaya tuloy-tuloy na naglakad na lamang ito patungo sa direksyon ng covered court. Hanggang sa mayamaya ay sumabit ang hawak nitong isang eco bag sa hump na nasa gilid ng kalsada dahilan para muntik na itong mabitawan ng dalaga. She managed to hold it still but some of its content fell on the road. Dahil sa bukas lamang ang eco bag na dala nito ay nahulog sa kalsada ang ilang laman niyon nang tumama sa may hump ang bandang ibaba ng eco bag. "Oh sh*t," narinig niya pang wika ng dalaga bago ibinaba ang isa pang hawak nito upang isa-isang pulutin ang mga nagkalat. Without second thoughts, Miguel walked towards the lady and started picking up her things. Isa-isang pinulot niya rin ang mga nalaglag sa dala nito at ibinalik ang mga iyon sa loob ng eco bag. Those were plastic bottles. Mga container ng mineral water ang laman ng eco bag na dala nito. Nang umpisahan niyang tulungan ito ay nahinto na sa pagdampot ang dalaga at agad na napaangat ang mukha upang tumingala sa kanya. She stopped on her track as she saw him. Hindi na nito nagawang kunin ang mga gamit na kumalat at sinusundan na lamang ang bawat niyang kilos. Miguel knew that she recognized him. It was written all over her face. Nang matapos niyang damputin ang mga container at maibalik ang mga iyon sa loob ng eco bag ay agad na niya iyong inabot sa dalaga. He loooked at her face and for a moment stared on her eyes. Bakit sa tuwing tumititig siya sa mga mata nito ay nakararamdam siya ng kakaibang damdamin? "I knew you," mayamaya ay wika ng dalaga sa kanya. "You were the one who fixed my car!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD