CHAPTER 45 Ikalawang araw na nina Mattheo at Zehra sa Istanbul, Turkey. Matapos nilang makausap si Emre kahapon ay nagpasabi na lamang sila na babalik na lang sa kompanya ng mga ito. Nagdahilan sila na pag-uusapan muna nilang dalawa ni "Allana" kung alin sa mga properties na ipinakita nito ang kanilang bibilhin. Ngayong araw naman ay nagpasya silang puntahan ang dating tinitirhan nina Zehra at ng mga kapatid nito. Kapwa nila alam ng dalaga na marami na ang nangyari sa pagdaan ng mga taon. Paglipas ng napakaraming taon ay hindi na nila alam kung ano pa ba ang dadatnan nila doon. Idagdag pa na baka tama nga si Zehra. Baka patay na nga rin ang mga kapatid nito. But they chose to go there, nevertheless. Sakay muli ng isang taxi ay gumayak na sila patungo sa apartment na dating tinitirhan ng