CHAPTER 54 Pendik, Turkey Bumaba si Mattheo mula sa sinakyan niyang taxi patungo sa lugar kung saan matatagpuan ang bahay na ipapakita sa kanya ni Emre. Inayos niya pa muna ang coat na ipinatong niya sa long-sleeved polo na kanyang suot bago nagtuloy sa kanyang paglalakad. Nang huli nilang punta sa Ercel Real Estate ay ibinigay sa kanila ni Emre ang eksaktong address ng naturang bahay na kunwa ay bibilhin nilang dalawa ni Zehra. Ilang taon man ang lumipas bago siya muling nakaapak sa bansang Turkey ay alam na alam pa rin ni Mattheo ang bawat lugar roon, iyon ay sa kabila ng katotohanan na sadyang marami na ang nabago kasabay ng paglipas ng napakaraming taon. He walked towards the house. Matatagpuan iyon sa harap mismo ng kalsada. May mataas na gate ang nasabing bahay na napipinturahan