Para akong lumulutang habang patuloy na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Greg. Ilang beses akong napapailing sa aking sarili habang naiisip kung gaano kaweirdo ang sitwasyon ni Austin at Greg. I just confirmed na iyong 'Austin first, Mr. Greg last' rule is officially true. At ang mas nakakabaliw pa roon ay ang naging plano ni Greg kasama ang Lucia na iyon. He said he tested how serious Austin is to me. Ibig sabihin, kahit siya ay iniisip na may nararamdaman nga sa akin si Austin? Kahit akala ko ay panaginip iyon, natatandaan ko pa rin naman ang mga nangyari sa amin ni Austin ng gabing iyon sa Hagonoy. He was so vocal na pati ang mga naging relasyon n'ya sa mga sekretarya n'ya ay inamin n'ya sa akin. He even accused me na inaaakit ko s'ya kaya nangyari iyon sa mga secretary n'ya.