Malakas ko s'yang itinulak bago pa n'ya ako mahawakan. "Stay away from me Austin!" Nang hindi s'ya natinag ay itinulak ko na lang sa aking kama bago ako nagmamadaling lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang malakas n'yang paghalakhak bago padabog na sumara ang pinto sa aking likuran. That Austin! Kahit kailan talaga ay hindi na s'ya nagbago. Simula nang makilala ko s'ya ay palagi na lang ganito ang nararamdaman ko. Galit man ako o hindi, naglalambing man s'ya o nang-aasar, palaging ganito ang kalabog ng dibdib ko basta nasa malapit s'ya. O ganito nga rin yata kahit nasa malayo s'ya. Ano ba naman! "Ate..." Natigilan ako at natulala kay Peter na nasa harapan ko ngayon. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko sa kanya bago dahan-dahang inilipat ang paningin kay Ashley na mukhang nagtataka rin