SIX| COLLAPSE

766 Words
Part 6 "Gagi talaga? Nagkabalikan na sila?" rinig kong usal ng isa sa mga studyante sa corridor habang naglalakad ako. Binagalan ko ang lakad ko para marinig ko ang pinaguusapan nila. Hindi naman sa chismosa ako pero may part kasi sa'kin na parang gustong malaman ang pinaguusapan nila at parang kinakabahan ako. "Oo. Subrang sweet nga nila e'. I saw them in the mall 'nung isang araw, grabi! Subrang nakakakilig silang tignan na dalawa." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panunuot sa dibdib ko bigla kaya napaupo ako sa isa sa mga bench na nadaan ko malapit sa corridor at agad kong binuksan ang bag para sana kunin ang nebulizer ko pero wala akong mahanap. Napapaupo na rin ako dahil sa patuloy na paninikip ng dibdib ko. Parang naiiyak ako dahil kahit anonf hanap ko sa nebulizer ko sa bag wala talaga. Naiwan ko ata sa bahay 'nung ginamit ko ito kagabi dahil inatake na naman ako ng sakit ko. I have an heart failure. Ito 'yung tinutukoy ni Niko na sakit ko na pilit niyang inalam kay Tita na mommy niya. "Kyahh!!! They're here!!" natigil ako sa paghalukay ng bag ko ng marinig ang sigawan sa corridor Maraming taong nagpalibot sa corridor at parang may artistang dumaan dahil sa sigawan nila. Napahawak ako sa dibdib ko at tumayo para sana tignan ang tinitignan nila ng matigilan ako ng makita si Drake na may kaakbay na babae habang masayang nakangiti sa lahat. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng makilala ang babae. Kimberly. Nakapulupot ang braso ng babae sa bewang niya. Parang dumagdag ang sakit na narmadaman ko sa dibdib dahil sa nakikita ko. Lalo akong hindi makahinga dahil don. Gusto kong tumakbo palayo sa pwesto ko para hindi ko makita ang nakikita ko ngayon. Subrang sakit na tipong parang hinati ang puso ko sa sakit. Nagsimula na rin akong maghabol ng hininga at nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko na kaya. Subrang sakit na talaga. Naramdaman ko na lang ang katawan kong nakalumpasay sa lupa pero bago ako mawalan ng malay narinig ko pa ang boses ng taong gusto kong huwag munang makita. "How is she nurse Cha?" Nagising ako ng marinig ang boses ni Drake. Dahan-dahan kong minulat ang mga talukap ng dalawa kong mata at inilibot ang paningin sa kabuuan nitong malaking kwarto. "N-Nik..." nanghihinang tawag ko kay Niko. May mga bisig na humawak sa wrist ko kaya ibinaling ko ang paningin ko sakanya. Nakita ko ang pag-alala sa boses ni Drake. "Thank God your awake." hinagkan niya ang noo ko. "Where's Niko?" agad kong tanong na nagpatigil sakanya. Parang hindi expect ang sinabi ko. For this time, gusto ko mo nang huwag siyang makita dahil sa nakita ko kanina. "H-He's outside. Kausap si nurse Cha ngayon."lumunok ito ng ilang ulit bago himasin ang mukha ko. "...Are you okay, Elle?" Gusto kong sumagot na hindi pero tanging ngiti lang ang ginawa ko at nag-iwas ng tingin. "Y-You really are okay?" Hindi ko siya sinagot. Nabalot ng katahimikan ang loob ng clinic at nagingay lang ulit ng pumasok ang mga kaibigan ko. "Elle!!!! Ghos! What happened to you ba?" ani Coolen at lumapit sa kabilang pwesto ko. I smiled." I'm okay, Col." "E' bakit ka kasi nahimatay kanina? I got so worried kaya." nakanguso nitong ani. "Oa mo! Oa!" hinampas siya ni Nicol sa balikat kaya inirapan niya ito. "Epal! Hmp!" "How was your feelings, Elle? May masakit pa ba sa'yo? Tell us." hinawakan ko ang kamay ni Nicol dahil sa nahalata ko ang pagalala ng boses niya. "I'm fine, Nic. Parang nahimatay lang e'." "Gaga! Anong parang? You don't know na three days kang tulog ha!?" napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Coolen sa'kin. "W-What?" "Three days kang tulog, Elle. Kaya nga subrang nag-alala na kami sa'yo.... especially,Drake." binaling ko ang tingin kay Drake na ngayon ay tinignan ni Coolen. Nakatingin lang siya sakin. Ngayon ko lang din nahalata ang pamamayat ng mukha niya at ang laki ng eyebags sa mukha. "Walang tulog 'yan. Ayaw ka kasing iwanan kahit sinabi ni Niko na siya muna magbabantau sa'yo." Gusto kong maglumpasay sa saya dahil kahit pala tulog ako hindi niya ako pinapabayaan. Inaalagaan niya parin ako. Ngayon ko nasabing tuluyan na nga siyang nagbago. "B-Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo, Drake? Tignan mo nga 'yang mukha mo, subrang payat na." Umiling siya. "It doesn't matter. Mas ikaw ang inaalala ko ngayon. I got so worried about you." hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "Oww! Ang sweet niyo, nilalanggam ang sahig." Napatawa ako dahil sa sinabi ni Coolen. Gagi talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD