Chapter 14 Na gising si Eunice na bahagyang masakit ang kanyang katawan, umayos siya ng upo at kinusot kusot muna ang mga mata sabay hikab. Saka lang niya na pansin na hindi na pala umaandar ang truck na sinasakyan nila at pag sulyap niya sa driver seat wala na din doon si Dylan. Bahagya siyang kinabahan dahil madilim pa rin sa paligid niya at nasa kalagitnaan sila ng naglalakihang puno sa kalsada. Napaisip agad siya kong na sundan ba sila ng mga humahabol sa kanila kanina at naka rinig siya ng iilang ingay na malapit sa truck na yun na para bang hinahahampas na bagay sa truck. Agad siyang bumaba at doon niya nakitang naka upo si Dylan sa lupa habang naka sandal ang likod sa truck. Napasulyap din sa kanya si Dylan, "gising kana pala," sabe nito habang isa-isa binibitawan ang kagamita