Chapter 24 NAGISING sa ingay si Camille na nang gagaling sa radyo ng kotse, nararamdaman din niya ang pangangalay ng balikat sa matagal na pagkaka upo at dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata. Nakita na lamang niya ang kanyang sarili na naka upo sa passenger seat, naka seat belt, hindi na rin niya suot ang sapatos ngunit naka uniporme paren siya at wala siyang nararamdaman na masakit sa kanyang katawan dahil ang naalala niya may nilalang na bigla na lamang sa kanyang humarang. Siya lang rin mag isa sa loob ng kotseng naka hinto sa isang pampublikong palengke. Nakikita niya ang paroon't parito ng mga tao, lalaki babae, dalaga, binata, matanda, bata, napa daan man doon o namamalengke lang. Busing busi ang lahat at ang iba naman ay nag mamadaling naglalakad. Tirik na tirik na ang araw sa