Chapter 1

1502 Words
"Uy Fara, tapos ka na?" Nginitian ni Fara ang kaibigang si Mindy kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Grace "Oo tapos na ako! Kayo ba?" tanong niya. "Tapos na rin!" masayang sabi nito at iwinagayway ang hawak na mga papel. Natawa si Fara sa dalawa. "Grabe magpo-fourth year na tayo!" masayang sambit ni Grace "Oo nga!" segunda naman ni Mindy. Nagtilian sila. Katatapos lang kasi nilang magpasa ng mga requirements para sa clearance nila. Nakuha na rin nila ang mga grade slips nila kaya masayang masaya siya. Tapos na rin siya sa wakas sa third year. Isang taon na lang ang kanyang pupunuin at makakapagtrabaho na rin siya. Mas makakatulong na rin siya sa pamilya niya. Isa siyang Business student sa kanilang State University. Ganoong kurso ang kinuha niya dahil gusto niyang makakuha ng trabaho Legaspi Food Manufacture. "Uy! Nandiyan pala kayo! Naks, kompleto na tayo!" Sabay na napalingon silang tatlo. Sumalubong sa kanila sina Carlo at ang mga iba pa nilang kaibigan. "Hi, Carlo!" pagpapa-cute na bati ni Mindy. Lumapit sina Carlo. "Congrats sa atin!" ani ng lalaking nakasando at naka-shorts lang sa likod ni Carlo. Nakaakbay ito sa lalaking naka poloshirt at nakamaong pants. "Oo kaya ikaw, Hubert, ayusin mo na sarili mo!" bulyaw ni Fara sa lalaking naka-sando. Napakamot ito ng ulo. Nagtawanan sila. "Oo nga, Hub. Baka maiwan ka!" asar naman ng naka-poloshirt. Sinapak siya ni Hubert. Napairap si Fara. "Tama na nga iyan! Andrei!" tawag niya rito. Napailing siya. "Tara, kain naman tayo muna sa labas bago ka umuwi, Fara!" sabi ni Carlo. Agad na naghagikhikan sina Mindy. Palibhasa kasi ay crush nito si Carlo. "Hmm sige na nga!" sabi niya. Nagtilian sina Grace at Mindy. "Tara na!" tawag ni Fara kay Hubert at Andrei na nagkokonyatan pa rin. Napailing siya. Maiingay ang mga kaibigan niya habang palabas sila. Nasa tapat na sila ng gate nang biglang may naaninag siya sa may bukana ng main gate. Napahinto sila. "Te, di ba iyan iyong amo niyo sa farm? Yan ang may- ari ng hacienda sa jagbuaya di ba? Hala anong ginagawa niyan dito?" agad na sabi ni Mindy at kumapit sa braso niya. "Aba, oo nga. Si Señorito Drago," dagdag ni Carlo. Kumunot ang noo ni Fara. "Hindi ko alam." 'Ano nga naman kaya ang ginagawa ni señorito rito?' "Iyan ata ang mapapangasawa niya, o. Hala ang ganda bes." Si Grace. Sabay sabay silang napatingin sa babaeng katabi ng amo nila. Simpleng highwaist jeans at croptop lang ang suot nito tapos dollshoes. Naka-ponytail lang din ang buhok nito. Umawang ang bibig niya. Ang ganda nga naman nito. Mala-procelana ang balat nito at malalaking kulot ang medyo brown nitong buhok. Mestisang mestisa ito. Mamula mula ang pisngi kahit walang makeup at matangos pa ang ilong. Bumuntong-hininga siya. "Oo nga," tanging nasabi niya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Grace. "Hala bes, bagay na bagay sila!" dagdga pa ni Mindy. Napailing siya. Yayayain na sana niyang umalis ang mga ito nang biglang mapadako ang tingin niya sa ibang kasama ng mga amo niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makilala ang lalaking nasa likod ni Drago Legaspi. 'Kasama na naman siya?' "Sino kaya ang pinupuntahan nila?" "Lapitan natin Fara!" Agad na napalingon siya kay Mindy na nagko-korteng heart na ang mga mata. "Ha? Bakit-teka!" Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nina Mindy at Grace papunta sa kinatatayuan ng mga iyon. Nagkakamot ng mga ulo na sumunod na rin ang tatlong lalaki sa kanila. "Uy, nakakahiya!" bulong niya habang hila hila siya ni Mindy. Nakakahiya naman kasi talaga na basta basta na lang silang lumalapit samantalang hindi niya naman talaga ka-close ang mga ito. "Tara na!" giit naman ni Mindy. Napabuntong-hininga na lang siya nang makalapit na nga sila sa mga ito.   "Hi po, Mr. Legaspi!" walang hiyang bati ni Mindy. Hindi niya alam tuloy kung anong magiging reaksyon niya. Nahihiyang ngumiti na lang siya sa boss. "Hi po," tipid na ngumiti siya. Mas lalo pa siyang nahiya nang bumaling din sa kanila ang fiancee nito. Hindi niya alam kung pati iyong lalaki kasi hindi niya naman nakita. "Farabelle. Farabelle, tama? Iyong anak ni Mang Kael?" tanong nito. Nahihiyang tumango siya. "Uhm opo." "Nako, sir, it's an honor for us po na nandito kayo!" sabat na naman ni Mindy. Siniko niya ang kasama. "Sige na po, pasensya sa abala bumati lang po kami," sabi niya na lang sa amo at tipid na ngumiti. "It's fine," anito sa kanila. Aalis na sana sila nang magsalita naman ang babaeng kasama nito. "She works in the farm? Sabay na natin siya." Agad na napatingin silang magkakaibigan sa fiancee ng amo. "Hindi ba may hihintayin ka pa?" Dinig niyang sabi ng amo niya. Bumuntong-hininga iyong babae. "I think she's not yet coming." Nagkibit-balikat ito at tumingin sa kanila. Narinig niya pa ang hagikhikan ng mga kasama niyang lalaki. Napailing siya. "Gusto nito sumabay na? We'll go home na rin," anito. Nagkatinginan pa sila ng mga kaibigan. "Ah, kakain pa po kasi kami. Pwede po kayong sumama!" Muntik na niyang sikuhin si Hubert sa sinabi nito. Sobrang hiyang hiya na nga siya na lumapit sila tapos gagatungan pa ng mga ito. Tiningnan niya ang mga kaharap pero nakangiti naman iyong babae. Nagkibit- balikat ito. "I'm fine with it. Plus, I'm hungry too. Sabay na tayo sa kanila?" tanong nito sa amo niya. Tumango naman si Drago Legaspi. Pinanlakihan niya mga mata ang mga kasama na tila nanalo sa lotto. "Dito po tayo! Masarap po ang karinderya ni Aling Ellen!" excited na ani Hubert at nauna pang maglakad palabas. Naghagikhikan naman ang dalawang babae at iginiya ang mga amo nila papunta sa madalas nilang kainan. Napailing na lang siya at sumunod sa mga ito. 'Napakakapal talaga ng mga mukha ng mga to, e. ' Bumuntong-hininga siya. Nakasunod siya sa mga ito pero sandali siyang napatigil nang mapansing nakatigil din ang magsasakang dinala ng amo niya noong isang araw sa farm. Hindi niya alam kung bakit pero kakaina ang tingin nito sa kanya. Napalunok siya at sumunod na lang din sa mga kasama. Sumabay na kumain sa kanila ang amo niya at ang girlfriend nito pati na iyon Landy na magsasaka. Hindi niya pa rin ma-gets kung bakit kasama ito ng amo. Pero sa bagay ay ang sabi naman ng amo niya ay kaibigan nito iyon. Maingay ang mga kaibigan niya. Natawa nga siya dahil game na game namang makipag-usap sa mga ito ang girlfriend ng amo niya. Minsan ay nakikipag-usap din naman ang señorito niya ang mga kaibigan. Iyong Landy na nasa tapat niya ang tahimik lang. Hindi niya talaga maintindihan. Para kasing titig na titig ito sa kanya. Hindi niya maintindihan. Weird na weird ang pakiramdam niya sa tingin noong Landy. Naging tahimik na lang tuloy siya at hindi na lang kumibo. Hinayaan niya na lang ang mga kaibigan na dumaldal. Pagkatapos nilang kumain ay pinasabay siya at ang tatlong lalaking kaibigan niya ng mga ito pabalik ng Jagbuaya. Isang sakayan lang din naman ng tricycle pauwi pero mas maganda pa rin ang kotse. Iyong si Grace at Mindy kasi ay sa bayan lang din nakatira. Silang apat lang ang nasa mga Legaspi. SUV ang dala ng amo niya. Ito ang nagda-drive at ang nasa harapan ay ang girlfriend nito. Iyong tatlo niyang mga kaibigan ay nasa pinakalikod habang siya at si Landy ang nasa second seat. Halos hindi na nga siya kumibo at sumiksik na sa pinakagilid dahil awkward pa rin ang tingin nito sa kanya. 'Ano ba kasing problema ng isang ito?' **** Hindi alam ni Fara pero may kakaiba talaga siyang nararamdaman sa Landy na iyon. Para kasing nakakapagduda lang ang pagdating nito pati na ng pagkatao. Kahit na sabihing kaibigan ito ng amo niya at ito mismo ang nagpasok dito ay may kakaiba pa rin talaga siyang nararamdaman. "Nako, Landy, halika muna at uminom ng tubig!" Dinig niyang tawag ng ama sa lalaki. Simula na ng bakasyon nila kaya nandito na siya sa farm. Sa ilang araw na pinagmamasdan niya ito ay wala namana siyang napansing kakaiba. Iyong pakiramdam lang niya ang kakaiba. Tahimik lang ito pero nakikisama naman. Marami na ngang may crush dito. Halos ito ang bulong bulungan ng mga babaeng naglalaba sa may sandayong, iyong parehabang tabay sa may di kalayuan kung saan halos lahat ng residente ng bukid ay nagpupunta para maglaba o maligo. Pati mga may edad nakiki-crush din sa isang iyon. Sa bagay, sobrang dalang naman talaga na ang ganoon katikas na lalaki ay mapadpad sa bukid. Iyong mga kaedad niyang magsasaka ay walang wala sa mga muscles noon. Halatang alaga ng gym e. Parang mga amo nila talaga. Kung hindi niya alam na magsasaka ito malamang napagkamalan niya ng isa ito sa mga Legaspi. Ang mas ikinaka-weird pa ay damang dama niya ang mga pa-tingin tingin nito sa kanya. Kung makatingin kasi parang tagos sa buong pagkatao niya e. Bumuntong-hininga siya at sinundan lang ito ng tingin. Pinapalibutan na ito ng mga ka-edad niya. Napailing siya. 'Anong nakita nila diyan? Hindi nga nagsasalita.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD