“Uy ang saya saya ni Pareng Landy! “Aba’y syempre, may date iyan, e!” “Ayiee!” “Excited na excited iyan mga pre! Lunes pa nga lang may damit na iyan, e!” Napuno ng tawanan ang buong kubo. Agad na sumimangot si Fara sa mga kasama. Nilingon niya si Landy na kanyang katabi sa isang kahoy na upuan sa may gilid. Nakangisi lang ang loko habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga kasama nila. Wala masyadong trabaho nang araw na iyon at kasalukuyang kinakausap ng mga Legaspi ang mga matatanda kaya silang mga kabataan ay dito muna nagtipon-tipon sa kubo. May isang malaking kahoy na lamesa sa gitna habang may apat na mahahabang mga kahoy na upuan naman ang nakapalibot doon. May isang maliit na hagdan din doon na siyang daan para sa isang kwarto sa kaliwang bahagi ng kubo. Punu