“Anong sinabi ko sa’yo, ha?! Anong sinabi ko, Fara! Nagtiwala ako sa’yo! Nagtiwala ako kasi alam kong kaya mo! Alam kong nag-iisip ka! Pero ano ito?1 Anong nangyari?! Bakit ka nagpabuntis?!” Hindi matigil si Fara sa pag-iyak habang pinapakinggan ang galit nag alit na boses ng kanyang ama. Nanatili siyang nakayuko habang takip-takip sa kanyang mukha ang kanyang dalawang kamay. Rinig na rinig niya ang nag-uumapaw na galit sa boses ng kanyang ama. “Saan ako nagkulang, Fara?! Saana ko nagkulang?! Bakit ka naman nagpakatanga?!” “Tay! Tay! Tama na po!” Mas lalo lamang siyang naiyak nang marinig iyon. Panay ang awat ng mga kapatid niya sa ama base sa kanyang naririnig. Napaigting na lamang siya nang makarinig siya ng sobrang lakas na pagbagsak ng pinto. Doon siya tumingala a